Chapter 2

2.7K 69 0
                                        

Ludo POV

Tinahak  namin ni Ina ang daan patungo sa simbahan,malapit lang ito sa aming tirahan kaya nilakad na lamang namin ito.

"Kristina....."tawag ni Aling Gina kay Ina,si Aling Gina ay kaibigan ni Ina magkalapit ang pwesto ni Ina at Aling Gina sa pamilihan.

Si Ina ay nagtitinda nang mga bulaklak habang si Aling Gina naman ay mga kakanin ang kanyang itinitinda.

"Napaka-aga n'yo yata."nakangiti niyang tanong kay ina.

"Alam mo naman may batang sabik mag simba."pabirong sagot naman ni ina sa kanya.

"Ay....Kasama mo pala si ganda,"masayang saad niya habang nakatingin sa akin.

"Napaka ganda nang iyong anak kristina sayang nga lang at bibihira lang siyang lumabas"naghihinayang na saad ni Aling Gina kay Ina.

Tumingin si ina sa akin.

"Mauna kana Ludo may importanteng pag-uusapan lang kami ni Gina."

Mukhang mahalaga  ang pag-uusapan nila kaya ngumiti ako at nagpaalam na sa kanya.

Habang naglalakad papuntang simbahan ay may nakita akong isang mabalahibong aso na nasa gitna nang kalsada.

Napasinghap ako ng makita ko ang mabilis na sasakyan na papalapit sa kanya malapit na itong masagasaan.

Kinabahan ako bigla.

Mabilis kong nilapitan ito di alintana ang pagtaas nang aking bestida.

Hindi ko maiwasan matakot para sa munting aso,ng makalapit ako sa kaniya ay agad ko itong ikinulong sa aking bisig.

Kasabay nang pagpikit nang aking mga mata ay narinig ko ang tunog nang gulong nang sasakyan.
Pinigil ko ang hininga ko, naghintay nang sunod na mangyayari.
Ilang minuto ang lumipas wala akong naramdaman sakit sa katawan.

"Miss ayos ka lang?"

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata.Iniangat ko ang aking ulo at tumingin sa direksyon kung saan ko narinig ang boses ng lalaki.

Pagkakita niya sa akin bigla itong natulala.

"O...o...opo..."nanginginig kong sagot.

"Ludo anak ko!!!".narinig kong sigaw ni ina.

"Ayos ka lang ba?Diyos kong bata ka aatakihin ako sa puso."Kita sa kanyang mga mata ang takot.

Parang maiiyak na ito,lumapit ako sa kanya at mahigpit ko siyang niyakap.

"What else did you do there let's leave now!!sigaw ng lalaking may malamig ang boses ..

"Pa-pasenya na ma-mauna na kami."mukhang takot ang lalaki roon kaya kaagad yumukod ito bago nagkukumahog na lumapit sa kanilang sasakyan.

Lumingon ako sa lalaking nagsalita at nabigla ako sa aking nakita.
Napaka-tangkad at kisig niya abuhin ang kanyang mga mata makakapal ang mga kilay at matangos ang ilong ang kanyang labi ay kasing pula nang kanilang mga rosas na itinitinda.

Biglang tumahol ang asong nasa bisig ko kaya napalingon ang lalaki sa direksyon ko.

Nakakatakot ang kanyang mga mata napaka lamig kung tumingin.

"Lets go".mariin niyang saad habang madilim ang mga matang nakatingin sa akin.




Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon