Diperensya

9 0 0
                                    

Madalas makaramdam ng lungkot
Kapag nag-iisa ay nababagot
Naalala ang mga ala-ala na binaon sa limot
Gustong sumaya ngunit hindi alam ang sagot

Maraming mga nakaabang na katanungan
mga nais maintindihan ng ating isipan
marahil ito ang sanhi ng ating kalungkutan
ngunit hindi masolusyunan kalimitan

Paano nga ba matatagpuan ang tunay na kasiyahan?
Ang mga problema ba ay dapat na lang hayaan?
Huwag ng alamin pa kung ano man ang dahilan
Kalimutan na lang baka lumipas rin kinabukasan.

Patuloy na lumaban at ipagkatiwala sa taas
Darating ang araw na kaginhawaan ay ipaparanas
Kailangan lang ng sapat na lakas
Isipin na magiging maganda ang wakas.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now