Nung ikaw ay pinalaya,
oras ay binuhos muli sa pag-buo ng mga salita.
Mga Lasug-lasog na letra,
mga masasakit na linya.
Nakasulat muli ng tula na kawangis mo
Mga emosyon na naging bahagi ko.
Saan kaya aabot ang aking tula?
Makakarating kaya sayo ang aking akda?Aking inalala, ang huling takipsilim
Nag-intay hanggang paligid ay magdilim
Sabay nating pinagmasdan-
ang paligid na unti-unting nabalot ng kalungkutan
Ito ang nagsilbing hudyat ng pagtatapos
ng ating ugnayan na biglang natapos
Ika'y mananatili na lang na sugat ng kahapon
mga ala-ala natin na pilit itatapon.Titigil na at tatahan
Paghihilumin ang pusong nasaktan
Darating ang panahon, aking mauunawaan
kung bakit hindi tayo ang nagkatuluyan.
Aking aakapin ang kasalukuyan at kinabukasan
Ang naidulot mong lungkot ay iiwan na sa nakaraan.
Ang masasayang alala-ala ang ititira
sa mga panahong kasama ka pa.Patuloy na akong uusad
Habang patuloy pa rin na susulat.
Alam kong malawak ang daigdig,
darating ang araw na tayo ay muling iibig.
Marahil ang pangalan mo ay hindi na magiging masakit,
Ala-ala mo'y kusa na lang mawawaglit.*****
YOU ARE READING
Inner Thoughts
PoesíaThis is not just a compilation of poems, prose, monologues and one shot stories, but it is a piece of my heart. Every word, every sentence, and every story in this book has been beautifully assembled over time, with love and care. This is a book fil...