Kaibigan

83 5 0
                                    

Kaibigan.

Simpleng salita lang. Oo tama simple lang pero malalim ang kahulugan.

Dinaig pa nga nito ang nagmamahalan sa tibay ng samahan.

Kaibigan, yan yung mga kasama mo sa mga kalokohan.

Yung kasama mo dumalo sa iba't ibang pagtitipon. Mapamisa man yan o inuman.

Sila yung mga taong binuklod para ika'y gabayan sa daang tinatahak.

May iba't ibang katangian at talento ngunit nanatiling magkasundo.

May matalino

May magaling kumanta

May magaling sa pag guhit at pagpinta

May Magaling sa pagpapatawa

Mayroon din namang magaling sa drama. Yung tipong onting kibot lang ay magtatampo na.

May ibang lenggwahe na kayang gamitin bukod sa Ingles at Tagalog na wari'y mula sa ibang planeta.

May mga koreana dahil sa kapapanood ng Kpop at meron ding magaling gumawa ng istorya. Oo! Magaling sila mag-imbento dahil pagiging writer kuno ang pinapangarap!

Ang pagkakaiba sa pananaw ay minsa'y hindi napagkakasunduan.

Sa oras na magkatampuhan, ay hihiwalay na yan.

Hindi sa samahan kundi sa groupchat.

Kung sino ang nakapanakit, sya ang di kasali.

Sa oras na lumala ang tampuhan, babawian ng napakahabang long message na nakakakonsensya.

Minsa'y maiiyak ka pa sa mga mababasa.

Pagkatapos nun ay ayos-ayos na.

Kaibigan. Tama napakasimple nga.

Pero mala-friendship Goals ang aura.

Napakasayang balik-tanawin ng mga bagay na nalagpasan ng sama-sama.

Mga kopyahan, mga kainan, mga gala at mga pagpaplano kung paano susupresahin ang katropa.

Sa bawat hakbang patungo sa ating kinabukasan.

May mga ala-alang patuloy sa paglabas na parang pelikulang walang tunog.

Mga pagbabago na hindi natin mapipigilan.

Ngunit wag kakalimutan.

Tayo'y mananatiling magkakaibigan.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now