Things You should tell your mom

55 4 0
                                    

Our mother is one of the best gifts that GOD has been given to us. Maswerte tayo na mayroong sila na gagabay sa atin. Bago simulang basahin to, pumikit ka muna sandali. Isipin mo na hindi habang buhay nasa tabi mo sya, na darating ang araw na mawawala sila sa atin na wag naman sana agad. Alam kong ang isipin yun ay sobrang sakit, tipong hindi mo alam ang gagawin mo kung mangyari yun. Pero wala tayong magagawa dahil ayun ang reyalidad ng buhay kaya sana habang may pagkakataon pa na maramdaman at marinig nila ang mga katagang inaasahan nila mula sa atin, iparinig natin sa kanila, ipadama natin para sa huli hindi pagsisisi ang ating maramdaman kundi ang magagandang ala-ala na maiiwan nila.

1. Sorry
"Sorry ma" aminin natin na mahirap bitawan ang katagang yan pero aminin din natin na sa tuwing nakokonsensya tayo sa pagsagot sagot natin sa kanila ay sa isip lang natin nasasabi yan. Subukan nating humingi ng tawad sa mga pagkakamaling nagawa natin sa kanila, sa pagsisinungaling, sa pagiging palasagot, sa pagiging pasaway at sa pagiging sakit sa ulo.

2. Thank you
"Thank you ma!" Nasasabi natin ito ng pabiro pero alam mo ba? Masaya na silang marinig yan. Pasalamatan natin sila dahil nagsisikap sila para maibigay ang ating pangangailangan, pinag-aaral tayo, pinapakain, maging yung mga kaluhuan natin sinosuportahan nila. Magthank you tayo sa lahat ng sacrifices na ginawa nila para sa atin, mga pangarap nila na hindi nagawa dahil sa atin, mga pagkain na hindi nila nakain para sa atin.

3. You're beautiful
Hindi sa nambobola pero dapat sabihan mo araw araw yung mama mo na maganda sya. It means everything to her na kahit hindi na sya makapag ayos ng sarili nya dahil sa sobrang busy pagtatrabaho para sa pamilya, may tao pa ring nakakakita ng ganda nya. Our mom is pretty inside out and it will never change.

4. You are the best
Alam nating awkward sabihin yan pero sana kahit hindi natin masabi yan, iparamdam natin sa kanila na they are our hero, our superwoman, our angel, our guardian. They provide everything for us, kahit gaano kahirap ang mga bagay pipilitin nilang suungin maiahon lang tayo.

5. I love you
"I love you ma" di ko din nasasabi yan ng personal. Kadalasan sa sulat, email o messenger ko lang nasasabi yan. Nahihiya kasi ako pero narealize ko, paano ko ba masasabi yan without being ashamed? I tried to be sweet pero nakakailang minsan pero pag nasanay ka na, mawawala din yun. Ganto yun, pag nakahiga sya, tumabi ka sa kanya tapos bahagya mo syang yakapin at ibulong mo na mahal na mahal mo sya . Marinig man nya o hindi, atleast alam mong sinubukan mong iparamdam sa kanya at sincere ka.

Yun lang, sana nakatulong ako maparealize ang mga bagay bagay.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now