Tara, Inom?
Kalimutan ang problema.
Palipasin ang lumbay,
at paghilumin ang sugat.Sagot ko na ang alak,
basta'y magkwento ka.
Sa bawat pag-ikot ng tagay-
Ihayag ang nararamdamang bigat.Tayo'y magpakalasing-
hanggang manlabo ang paningin.
Makaramdam ng galak-
Habang malawak ang ngiti sa salaminTara, inom?
Damayan mo ako.
Kalimutan na may pasok bukas.
Lahat ng problema ay alak ang lulutas.Ngayong gabi, tayo'y tumagay.
Samahan mo akong magpakasaya-
sapagkat ayokong lumuha pa,
gusto ko lang maging maligaya.Itakas mo ako sa kalungkutan.
Sa paniniwalang sa akin ay may kulang.
Kaya kaibigan, ako ba'y iyong dadamayan?
Huling tanong, Tara! Inom?
YOU ARE READING
Inner Thoughts
PoezjaThis is not just a compilation of poems, prose, monologues and one shot stories, but it is a piece of my heart. Every word, every sentence, and every story in this book has been beautifully assembled over time, with love and care. This is a book fil...