Tayo'y hindi sinasadyang magtagpo
nagkaroon ng ugnayan na kay labo
Ilang buwan rin nating tinago
at nanatiling ikaw at ako ngunit walang tayoMagandang simula man ang ating nalikha
Subalit hindi na natin maipagkakaila
na sa huli ay ang alinlangan ang nagmitsa
Kung bakit hindi na tayo nag-uusap dalawaMarahil karakter lang tayo na dumaan sa isang kabanata,
Na sa susunod na paglipat ng pahina
Ay hindi na ikaw at ako ang paksa
dahil ang isa't isa ay tuluyan ng pinalaya
YOU ARE READING
Inner Thoughts
PuisiThis is not just a compilation of poems, prose, monologues and one shot stories, but it is a piece of my heart. Every word, every sentence, and every story in this book has been beautifully assembled over time, with love and care. This is a book fil...