Mali ang mahalin ka
Kadalasang naririnig ko mula sa kanila sa tuwing napag-uusapan kung ano nga bang meron sa ating dalawa. Tatawa lang ako at sasang ayon sa kanila kahit sa isip isip ko, ay puro pagkontra. Noong nakilala kita, hindi ko inisip na magiging ganto ka kahalaga, bigla na lang nahulog ng hindi ko namamalayan kung paano nagsimula. Marahil sa maliit na usapan, munting tawanan, bahagyang tuksuhan o baka sa pasimpleng ngitian. Hindi ko alam, ang sigurado ko lang ay masaya ako sayo. Nagsimula ang paglabas nating dalawa, ang paghatid mo sa tuwing uwian ko na, ang pagbibigay ng pagkain sa isa't isa, ang unang yakap na kay sarap, ang unang halik na kay bilis, naramdaman ko lahat.
oo, Masaya.. parang bumalik tayo sa pagkabata, tila mga dalaga't binata na nagmamahalan. Sa tuwing Biyernes ay kakain sa labas, tuwing linggo'y mamamasyal at magkekwentuhan kung saan. Ilang beses mo akong pinatawa, ilang beses kitang pinangiti, Buhay ko'y naikwento na at ika'y unti unting nagpakatotoo. Tinanong kita, tinanong ko kung may nagmamay-ari na ba sayo. Akala ko, isasagot mo ay ako pero hindi pala. may nagmamay ari na nga pala sayo, ang iyong asawa. Ako ay nagtaka, naguluhan at nasaktan, paano mo nagawang magmahal ng iba kung may minamahal ka na? Ngunit sa lahat ng yon, ako'y nagbulagbulagan, muling nagtanga tangahan. Naniwala noong sinabi mong ako na ang iyong mahal, kayo ay nagsasama dahil kailangan. Tatlong buwan ang lumipas noong malaman ko iyon, tatlong buwan akong inusig ng konsensya, ng bigat sa puso, ng lungkot at tatlong buwan nag isip sa desisyong aking gagawin.
Isang buwan, iyon ang aking itinakda. Nangako ako sa aking sarili na ako'y magpapakasaya, Ipaparamdam sayo ang pagmamahal, Ipapakita na totoo ang nadarama. Tayo'y madalas lumabas, madalas mag-usap, madalas magkita. Sa tuwing magkasama ay hinihiling mo na sana tayo'y tumagal, ngingiti ako at sasagot na magtatagal tayo ngunit kabaliktaran nito ang nasa isip ko.
Sa bawat ngiti mo, nalulungkot ako dahil hindi na ako ang magiging rason nito,sa bawat tawa mo ay ang pait ng nararamdaman ko, sa bawat paghawak mo sa aking kamay ay ang takot kong ibalik ka sa kanya at tuluyang iwan ka.
dumating ang huling araw... Ang huling araw na ipapakitang mahal kita. Tayo'y masaya, nagkwentuhan ng ilang oras bago mo ako hinatid ngunit bago ako pumasok sa bahay, ngumiti ako at niyakap ka ng mahigpit. Mamimiss kita. seryosong sabi ko na sinagot mo ng magkikita naman tayo bukas. Hindi ko na nagawang ngumiti pa, pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan patungo sa balikat mo. Pasensya na, mahal kita pero hindi ko kayang makasira ng pamilya. Ako'y agad na tumalikod at hindi na inintay ang sagot mo.
Mali ang mahalin ka. Ngayon ang puso at isip ay sa wakas nagkaisa, pinamukha na marami pang iba, hindi ko kailangang mang-agaw pa. Mahal kita, pero tama na sa pagpapakatanga, mata ko'y namulat sa katotohanang isa kang aral na kailangan kong matutunan para hindi na maulit ang ganoong kamalian.
Ingat ka lagi mahal kong Cardo. Ako'y magpapakalayo layo muna, baka sa ibang lugar matagpuan ang para sa akin. Sa ngayon, hiling ko lang ay mahalin mo ulit siya kagaya noong panahon bago mo siya makuha. Masakit man sakin, pero ayun ang tama. Paalam na, marahil sa susunod nating pagkikita ay magawa ko ng tingnan ka ng hindi na naluluha. Hanggang sa muli.
Nagmamahal,
Lucresia
YOU ARE READING
Inner Thoughts
PoetryThis is not just a compilation of poems, prose, monologues and one shot stories, but it is a piece of my heart. Every word, every sentence, and every story in this book has been beautifully assembled over time, with love and care. This is a book fil...