Sa mundong ito, laging may dalawang klase ng tao.
Ikaw mismo ang bahala kung saan ka lulugar.
May mabuti, may masama
May mayaman, may mahirap
May matalino, may nagmamatalino.
May paasa, may umaasa
May nakasakit, may nasaktan
May masaya, may malungkot
May malaya at may tila preso dahil hindi nakadadama ng kalayaan.May malakas ang loob, may mahiyain
May nagpapagaan ng buhay at mayroon ding nagpapabigat
May bida, may pa-bida
May nang aapi, may inaapi
May umaangat, may bumababa
May nagma-mataas, may nagpapa-kumbaba.
At mayroon ding matatag at nagpapakatatag.Iba't ibang uri ng tao ngunit kadalasa'y kapareho ng sitwasyong kinasasadlakan.
Sakit at hirap na parehong tinatahak.
Ngunit bakit ang mundo'y hindi patas?
May sumusubok mag-tagumpay pero patuloy ang pagkatalo.
May ginagawa ang lahat ngunit patuloy na nababalewala.
May bukal sa puso na nagmamalasakit ngunit patuloy na kinagagalitan.
May pilit na naghahangad ng tiwala ngunit patuloy na napagbibintangan.
May sumusubok na magbago ngunit patuloy na hinihila patungo sa nakaraan.Bakit nga ba may mga taong walang ginagawa ngunit minamahal pa rin ng iba?
Bakit kahit anong gawin ko, talo pa rin ako?
Bakit kahit magpakabuti ako? Masama pa rin ang tingin mo?
Bakit kahit ako yung nandito, siya pa rin yung hinahanap mo?
Napapagod na kong patunayan ang sarili ko
Hindi ko na alam kung saang panig ako lulugar
Sa dalawang klase ng tao sa mundo, siguradong ako'y napapabilang sa mabuting pangkat ngunit patuloy na hinihila sa masama.Ps: I will never be good enough! End of the story!
YOU ARE READING
Inner Thoughts
PuisiThis is not just a compilation of poems, prose, monologues and one shot stories, but it is a piece of my heart. Every word, every sentence, and every story in this book has been beautifully assembled over time, with love and care. This is a book fil...