Balik-tanaw

18 1 0
                                    

Co-written by: J.B

Kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin at malakas na ulan
Kami ay nagbalik-tanaw.

Doon ko napagtanto na totoo nga talaga

Ang sinasabi nila na"Malayo pa pero malayo na"

Noon,
sa tuwing walang pambili ng gatas ay papainumin na lang kape
Sa tuwing walang ulam ay toyo ang ihahain sa hapagkainan
Makakatikim lang ng masarap kapag may handaan
Makakapunta lang ng mall kapag sinama ng kamag anak galing abroad
Mag iigib ng tubig mula sa poso at Balon
Sa tuwing naulan, kailangan sahurin ang mga tumutulong tubig mula sa butas na bubong
Sa tuwing bumabagyo ay nagliligpit ng gamit dahil maya maya lang ay papasukin na ng baha.
Mabigyan lang ng limang piso ay sobrang saya na
Makatanggap lang ng maliit na laruan ay sobrang pasasalamat na.

Ngayon,
Yung dating AM na iniinom, ngayon ay branded na gatas na
Yung dating simpleng kape lang, ngayon ay Starbucks na
Marami ng ulam ang kayang pagpilian
Masarap na pagkain na ang kinakain araw-araw
Ang mall ay kinasasawaan ng puntahan
Hindi na nag iigib dahil may sariling tubig na at may shower pa
Hindi na kailangang intindihin ang bubong o matakot na baka bumaha sa tuwing umuulan.
Nagagawa ko ng bilhin ang gusto ko,
puntahan ang nais ko,
tumulong sa pamilya ko,
magdesisyon para sa sarili ko.

Ang daming nangyari, maganda man o hindi.
Ang dami ring dumating, nanatili man o hindi.
Nakakatuwa ang pag usad.
Mabagal. Mahirap. Masakit.
Walang kasiguraduhan ang patutunguhan
Ngunit masaya. Nakakapanabik.
Patuloy lang na magsusumikap hanggang maabot ang pangarap
Patuloy lang na uusad kahit hindi alam kung saan dadalhin ng tadhana.
At kahit sa maliit na progresong ito,
Ako'y magpapasalamat ng lubos sa taas
Dahil alam ko na ang buhay ko ay pinagpala.


*****

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now