CHAPTER 1: Pilipinas

53 2 0
                                    


"Anak ito ang bahay natin dito sa Pilipinas, dito rin titira sila Tita Andrea mo kapag kinasal na kami. Okay lang ba sayo yun?"

Marahang tumango si Elara "Okay lang po dad, pero may kasama po ba siya? Sabi mo po kasi "sila""

"Ahh may tatlong anak kasi siya, kaya magkakaroon ka na ng mga kapatid" ngumiti ito

"Sige po dad, akyat na po ako mag-aayos pa ako ng mga gamit ko"

"Sige anak, bukas may dinner tayo kasama sila so be ready okay?"

"Okay" maikling sabi niya saka tuluyan ng umakyat patungo sa magiging kwarto niya


Nang matapos siya sa pag-aayos ng mga gamit niya, umupo siya sa kama niya upang magpahinga at muling tinitigan ang litrato nila ng boyfriend niya sa kanyang cellphone.

"Love nandito na ako sa Pilipinas, nandito na ako sa dream place natin" mapait siyang napangiti

"Diba dapat masaya ako kasi natupad na yung wish natin na makapunta ulit dito? Pero ewan ko ba hindi ako masaya"

"Hindi ako naging excited sa pagpunta"

"Kulang love e.. Wala ka.."

"Pangarap nating tumira dito diba? Pangarap nating dito magkapamilya"

"Paano ko tutuparin yun kung wala ka sa tabi ko?"

"Paano natin malilibot itong Pilipinas ngayung wala ka na?"

Unti-unting may namumuong luha sa kanyang mga mata

"Nagsisisi akong hindi kita sinamahan sa competition papunta rito, kung sumama sana ako edi sana kasama ako sa mga naging abo.. Hindi ko sana nararamdaman itong sakit sa puso ko ngayun"

"Nadudurog ako Love.. Kailangang kailangan kita ngayun"

"Kailangan ko yung mahigpit mong yakap"

"Kailangan ko yung matatamis na ngiti mo"

"Kailangan ko yung mga jokes mong napapatawa ako kahit sa ganitong sitwasyon"

"Love kailangan kita.. Balik ka na please.."

Hindi niya namamalayang umiiyak na naman siya habang kausap ang litrato nila ng boyfriend niya


Flashback

"Love what if isa sa atin ay maunang mawala sa mundong ito.. Kunwari ako? Maaga akong namatay anong gagawin mo?"

"Susunod sayo haha" walang pagdadalawang isip niyang sagot

Napatawa naman si Hezron sa sinabi niya "Seryoso kasi, ano nga?"

"Seryoso ako love, susunod ako kapag nangyari yun"

"Kung manyari yun 'wag kang susunod" seryosong sabi niya "Gusto kong ipagpatuloy mo yung buhay mo kahit wala na ako.. Tuparin mo yung mga pangarap mo, yung pangarap nating magkapamilya tuparin mo yun kahit hindi na ako yung kasama mo.. Maging masaya ka okay?? 'wag kang pasaway.." marahan niya itong pinitik sa noo

"Ayaw" tatawa tawang sabi niya "Basta susunod ako sayo, ano pang silbi kung matupad ko yung pangarap ko kung hindi naman ikaw ang kasama ko? Wala diba? Kaya it's a no for me" proud at nakangiti niyang sabi

Napailing naman na natatawa si Hezron "Alam mo ikaw hindi ka talaga marunong makinig ano? Kung sakali lang naman yun"

"Abay syempre!"

7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon