Monday
"Akala niya si Hezron si Cookie hindi ako" kwento ni Nicolai
"Yung namatay niyang boyfriend?" tanong ni Mazen habang kumakain ng kanyang chips, tumango naman si Nicolai bilang sagot "Edi dapat pala matuwa si El kasi nandito ka na. Nico the real Cookie" sabi niya at sumenyas pa na parang may binabasa sa hangin
"Nabigla lang siguro siya sa nalaman niya kaya ganon yung naging reaksiyon niya. Ikaw ba naman, yung pinaniniwalaan mo hindi pala totoo" Rashmi
Huminga ng malalim si Nicolai "Ewan... Ikaw bayaw kamusta kayo ni ate Alisha?"
"Good news okay na kami, nagsisimula ulit kami. Balak ko rin palang isama na sila sa dati naming bahay para doon tumira. Sayang rin kasi yung pera na binabayad nila sa renta" sagot ni Lyryc
"Sabagay wala naman ng nakatira dun... So may bagong tambayan na ba tayo?" nakangiting sabi ni Tiago
"Sira hindi pwede nandoon yung anak ko baka kung anong matutuhan nun sa inyo" Lyryc
"Halla grabe ka naman samin makiki tulog lang naman ako dun" Xeven
"At makiki internet" dagdag ni Tiago
"Makiki kain na rin" dagdag pa ni Mazen
"Siya yung kababata mo?? Teka sabi mo si Hezron?" nagtatakang tanong ni Calliah habang sila ay naglalakad
"Hindi ko na alam Cali. Pero na kay Calvero yung bracelet na bigay ko" sagot ni Elara
"Sure ka ba na yun yung bracelet na gawa mo?" Calliah
"Oo, gawa ko yun e alam kong sakin galing yun. Tsaka yung pictures namin noong mga bata pa kami meron siya" Elara
"Bakit mo ba kasi inakalang si Hezron si Cookie?" tanong ni Zia
"Nung nagkita kasi kami inalok niya ako ng cookies, tsaka tumira din daw sila dito sa Pilipinas noong bata siya kaya akala ko... Aaahhh naguguluhan na ako" naguguluhang sabi ni Elara at ginulo pa yung buhok niya
"Ibig sabihin nag assume ka na si Hezron si Cookie?" Calliah
"At first yes, until Hezron told me that he is Cookie" Elara
"Anong balak mo? Sasabihin mo ba kay Nico?" Zia
"Hindi ko alam... I still want Hezron's explanation but... But how?" Elara
"Mahirap yan El, kung pwede ko lang tanungin ginawa ko na para hindi ka na naistress dyan" Calliah
Nang mapadaan sila sa locker area ay nakita ni Calliah ang isang lalaki na nagdidikit ng sticky note sa pinto ng locker ni Elara "Uy wait girls hindi kaya siya si H?" turo niya sa lalaki
Napatingin naman sila sa tinuro ni Calliah "Harangin mo dali" sabi ni Zia
"Ha? Bakit ako? Ikaw na" bahagyang tinulak ni Calliah si Zia
Habang nagtuturuan sina Calliah at Zia ay nag lakad na si Elara palapit sa kanyang locker "Hi? May I help you?" sabi niya sa lalaki
"H-hi" may pagka biglang sabi ng lalaki. Kinuha naman ni Elara ang sticky note na dinikit ng lalaki at binasa
Note: Hi, I'm Heston Dowson. Pwede bang makipagkaibigan? Maghihintay ako sa garden ng 4 PM after ng class ko, kapag pumunta ka it means we're already friends :)
"Heston Dowson" wika ni Elara
"Y-you're Elara Iris Sandoval right?" nahihiya pero nakangiting sabi nii Heston
BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
RomancePitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...