"Okay na ba ang lahat? Magi-start na tayo in 30 minutes, yung mga model okay na ba? Yung mga susuotin nila?" tanong ni Nicolai sa mga staff niya
"Okay na po sir, naka ready na po ang mga damit na irarampa nila at standby na rin po lahat ng model including Miss Dizon" sagot ng isang staff organizer
"Okay good. How about the technical? Yung sounds? Speaker? Lights?" muling tanong ni Nicolai
"Okay na rin po sir, na check na po namin, gumagana naman po lahat ng maayos" sagot ng isa pang staff
"Okay good. Calvin yung mga guest natin kamusta?" tanong ni Nicolai
"Nakaupo na sila sa mga respective seats nila" sagot ni Calvin
"Okay tara" sabi ni Nicolai saka nagsimulang maglakad papunta sa mga guest
"Nico Calm down, we're doing good. Halatang kinakabahan ka" bulong ni Calvin
Huminga ng malalim si Nicolai "Nandiyan na ba si Lolo?"
Tumango si Calvin "Nasa right katabi ni Mr Falcon"
Lumapit si Nicolai sa mga guest upang batiin ang mga ito at kamustahin
"Ate Elara!" tawag ni Joy na masayang kumakaway kay Elara kasama ang barkada niya
Napangiti si Elara saka lumapit kila Joy "Buti nakarating kayo, akala ko hindi na kayo tutuloy" sabi niya saka ngumiti
"Ang bagal kasing dumating nila Shawn at Harley" sabi ni Noah
"Oo nga, nag date pa ata" dagdag ni Jiro
"Hindi ah" depensa ni Harley
"Aruuu" panunukso ni Joy kila Harley at Shawn
"Oh siya tama yan, maupo na muna kayo dun malapit ng mag start" sabi ni Elara
"Salamat ate Elara don't worry behave lang kami" nakangiting sabi ni Joy
"Sige kukuhanan ko rin kayo ng litrato mamaya" nakangiting sabi ni Elara
Nang makaupo ang barkada ni Joy ay sunod sunod lumapit sila Calliah sa kanya "El sino yung mga bagets na yun?" tanong ni Calliah
"Cali, Zia, Uy nandito kayong lahat" masayang sabi ni Elara ng makitang kompleto silang magkakaibigan
"Syempre bawal naming mamiss 'to" nakangiting sabi ni Tiago
"Kaya nga, saka balita ko masarap daw ang pagkain na iseserve mamaya" nakangiting sabi ni Mazen
"'Dika parin nagbabago Maze hahaha" sabi ni Zia
"Salamat, matutuwa si Jaze kapag nakita niyang kompleto ulit tayo" masayang sabi ni Elara
"Parang nung isang araw lang magkakasama tayo ah" sabi ni Calliah
"Dapat siguro dalas dalasan natin 'to hahaha" sabi ni Xeven
"Pwede basta ilibre mo kami sa bar mo" pagbibiro ni Lyryc
"Don't worry may space sa bar ko na para sa atin lang, kapag natapos yun libre ko na ang first visit niyo bahala kayo kung magpapakalasing kayo o hindi hahaha" sabi ni Xeven
"Vanilla! Buti nakapunta kayo" nakangiting sabi ni Calvin ng makalapit sa kanila
"Oo naman Mocha, para sayo darating ako" nakangiting sabi ni Calliah
"Sus sa una lang yan" pang-aasar ni Xeven
"Tse manahimik ka, wala kang girlfriend" sabi ni Calliah
"May upuan na ba kayo?" tanong ni Nicolai sa mga kaibigan
![](https://img.wattpad.com/cover/304698604-288-k824663.jpg)
BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
Roman d'amourPitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...