CHAPTER 63: Stressful Venue

12 1 0
                                    


Kinabukasan, dumalaw sa Arevalo's company ang lolo nila Nicolai. Dumeretso ito sa office ni Nicolai para kamustahin ang lagay ng kanilang negosyo at ang darating nilang fashion event

"How's the project? Is everything okay?" tanong ng lolo nila Nicolai

"Lo" nagmano si Nicolai sa lolo niya "Paalis po kami ngayon to find a venue" sagot niya

"Find a venue? Dapat matagal niyo ng tapos yan, dapat nga nagpa practice na ang mga model sa pag rampa. That's why I'm here, I want to see if they're good." sermon ng lolo nila

"Sorry po Lo"

"Nicolai this show is not one of your video games, do it properly!" seryosong sabi ng lolo niya bago lumabas ng kanyang opisina

"Couz anong nangyari bakit umalis si Lolo? At muk...hang galit?" tanong ni Calvin pagkapasok niya ng office ni Nicolai

"We need to find a venue asap" seryosong sagot ni Nicolai saka lumabas ng kanyang office

"O-okay" agad na sumunod si Calvin kay Nicolai



"Wala akong alam ate e" sagot ni Harley sa tanong ni Elara "Joy may alam ka bang place na pwede for fashion show?" tanong niya

"Oo naman, yung resort nila Jiro. Malawak dun tsaka nirerent talaga yun para sa mga ganon. Bakit rarampa ka ba?" sagot ni Joy

"Hindi, naghahanap si ate Elara" sabi ni Harley

"Ate Elara rarampa ka?" tanong ni Joy

"Hindi Joy, naghahanap kasi ng venue si Jaze yung boyfriend ko para sa upcoming fashion event ng company nila" sagot ni Elara

"Uy anong pinag-uusapan niyo? Bakit hindi kami kasali?" tanong ni Jiro pagkalapit nila sa girls

"Harley yung tubig mo" binigay ni Shawn yung tumbler ni Harley na nilagyan niya ng tubig

"Speaking of, ayan ate Elara tanungin mo si Jiro baka pwede yung sa kanila pero ang alam ko kasi lagi ring fully book dun e" sabi ni Joy

"Ano ba yun?" tanong ni Jiro

"Pwede bang marentahan yung resort niyo? Kailangan kasi for the fashion event this next Saturday" sabi ni Elara

"Sure, sasabihin ko kila daddy tapos sabihan kita kung pwede" tugon ni Jiro

"Kung sakaling pwede kila Jiro, ate Elara pwede ba kaming manood?" tanong ni Noah

"Oo nga ate pwede ba?" tanong rin ni Joy

"Gusto ko ring manood ate please" sabi ni Harley

"Ako rin po" pagsang ayon rin ni Shawn

"Sama rin ako syempre, kung pwede" sabi ni Jiro

"Oo naman, akong bahala kahit hindi sa resort nila Jiro gaganapin pwede kayong manood" nakangiting sabi ni Elara

"Yun salamat ate" masayang sabi ni Joy

Thank you ate Elara" masayang sabi rin ni Harley

"No worries" nakangiting sabi ni Elara

Maya maya pagkatapos ng kanilang usapan ay lumabas si Jiro ng kanilang classroom at tinawagan ang kanyang ama "Dad sige na kailangan talaga ng friend ko, sa kanila mo nalang ipa-rent sa araw na yun" sabi ni Jiro

"May naka reserve na nga sa araw na yun bakit ba ang kulit mo anak" sabi ni Mr Lim sa kabilang linya

"Sige na po, promise gagalingan ko na sa studies ko" pangungulit ni Jiro

7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon