CHAPTER 21: Elara's personal driver

9 1 0
                                    



Nakatulog si Elara sa ka iiyak. Nang makarating siya sa kanilang classroom ay napansin niyang nagliligpit na ang mga classmate nila ng kanilang mga gamit para makauwi na "Cali bakit nagsisi uwian na sila" tanong niya

"Oh El, akala ko hindi ka na papasok uwian na hindi naman nag klase, niremind lang ni sir yung tungkol sa mga business plan at marketing plan natin malapit lapit na daw kasi yung deadline. pagkatapos nun dinismiss na kami ni sir dahil may pupuntahan pa daw siya. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang?"

"Aah ganun ba. Sa rooftop nakatulog kasi ako hehe"

"Rooftop nanaman, diba sinabi ko- wait umiyak ka ba??" puna niya ng mapansin ang namumulang mata ni Elara

"Ha? Ahh hindi no" pagsisinungaling niya

"Don't lie ang pula ng mga mata mo, anong nangyari?"

"Wala 'to Cali napuwing lang ako kanina ang hangin kasi, Si Zia umuwi na?" pag iiba niya ng usapan

"Yes umuwi na siya, now answer me honestly bakit ka umiyak?"

"Cali napuwing lang ako"

"Elara isa!" seryoso nitong sabi

"Fine, magkukwento na huwag ka ng magalit" ikinuwento niya ang mga nangyari kanina

"GOSH EL!! I know how important your phone is pero yung ibuwis mo yung buhay mo para don? Grabe naman na yata yun! Paano kung nalaglag ka dun?? Paano kung hindi ka naligtas ni Nico?" panenermon niya

Napangiti si Elara sa mga sinabi ni Calliah dahil ganoon rin ang sinabi sa kanya kanina ni Nicolai "Parehas na parehas kayo ng reaction"

"El hindi mo dapat ginawa yun, mas importante ang buhay mo kaysa sa phone okay?"

"Pero kalahati ng buhay ko nandito sa phone ko"

"Elara you know you need to move on" kalmado niyang sabi "You need to accept the fact na wala na siya. That's the only thing you need to do for you to be free and happy again"

"I know... I know that's the right thing to do but... I can't. Hindi ko pa kaya, napakahirap Cali"

Niyakap ni Calliah si Elara "Thank you" wika ni Elara

"Hindi ka nag-iisa. I'm always here okay?" Calliah

Dahan dahang tumango si Elara bago humiwalay sa pagkakayakap "Sige na Cali mauna na ako ah medyo masama kasi yung pakiramdam ko"

"Ganon ba, gusto mo ihatid kana namin malapit na rin naman si mang Berting" nag aalalang sabi niya

"Hindi na, susunduin kasi ako ni ate Lian"

"Okay wait, samahan na kita kahit hanggang sa gate lang"

Dumaan muna sila ng locker bago nag lakad papunta sa gate ng MU

"Anong sabi sa note ngayon?" Calliah

""You are the moon, not always full but always beautiful" by H." sagot ni Elara

"Parang kilala ka niya no?"

"Hindi ko rin alam, sana magpakilala na siya"

Maya maya lang ay nakarating na sila sa gate "Okay na ako dito Cali, ayan na si Mang Berting oh hinihintay ka na"

"Okay lang naman si Mang Berting maghintay ang importante may kasama ka dito"

"Cali masakit lang yung ulo ko pero ayos lang ako sige na"

"Sige na Cali ako ng bahala kay El" nakangiting sabi ni Calvin ng makita ang dalawa

"Siguraduhin mong babantayan mo siya Calvin baka biglang dumating yung pinsan mong- hmmp! basta. Mauna na ako, El uminom ka ng gamot pag-uwi mo ha? Ingat kayo" sabi ni Calliah bago umalis

7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon