CHAPTER 60: New journey

14 1 0
                                    


Tatlong buwan na ang nakalipas ng sila ay makagraduate. Pina-handle ng Lolo nila Nicolai ang family business nila na clothing company sa kanila ni Calvin dahil gusto na nitong magpahinga at enjoyin ang kanyang pagreretiro. Si Nicolai ang napagkasunduan maging CEO habang secretary naman niya si Calvin.

Si Alisha naman ay ipinagpatuloy ang kanyang kursong medisina. Habang si Lyryc ay nagtatrabaho sa company nila bilang manager.

Si Mazen ay matagumpay na napapatakbo ang kanyang restaurant business na ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang ama.

Si Tiago ay nagpatayo ng computer shop at nagtatrabaho bilang Information Technology Manager sa isang kilalang IT company

Si Xeven ay kasalukuyang nagpapatayo ng bar, tinututukan niya ito ng husto dahil gusto niyang masunod ang lahat ng detalye na gusto niya para sa kanyang business

Si Rashmi ay bumili ng isang bookstore na kalaunan ay napalago niya, kasalukuyan niyang pinapa renovate ito para sa mas malaking espasyo at para mas mapaganda pa

Si Zia ay tumutulong sa kanilang grocery business para maiwasan ang pagkalugi nito at mas mapalago pa

Si Calliah ay patuloy parin sa pag manage ng coffee shop niya at mas pinagbubuti pa, ngayon ay nagkaroon na ito ng dalawang branch

Dahil sa pagiging busy nila sa kani-kanilang mga buhay ay bihira na lang din silang mabuo ng sama-sama at kompleto



Sandoval's residents

Paalis na si Elara ng makita siya ni Mr Sandoval at kausapin ito "Anak saan ka pupunta?" sabi ni Mr Sandoval

"Ah sa coffee shop po ni Cali" sagot ni Elara

"Why don't you go to our company and observe?" Mr Sandoval

"Maybe next time po" Elara

"Anak kailangan mong matutunan kung paano tumatakbo ang business natin dahil balang araw sayo rin 'to mapupunta" Mr Sandoval

"Dad alam niyo naman pong wala akong hilig sa ganyan, sinubukan ko naman po tinake ko yung kursong gusto niyo pero wala po talaga e. Si kuya na lang po mas may hilig siya dun" sabi ni Elara ng makita si Lyryc na papalapit sa kanila

"Ako?" gulat na tanong ni Lyryc "Bunso company niyo yan ikaw dapat ang mag manage"

"No Lyryc company natin" pagtatama ni Mr Sandoval "Tama si Elara kung gusto mo pwedeng ikaw na lang ang magmanage ng kompanya balang araw, ito kasing batang 'to walang kainte-interest sa mga business natin"

"Po? Pero paano si El?" tanong ni Lyryc

"Don't worry kuya, hahanapin ko pa yung passion ko" nakangiting sabi ni Elara

"Kapag nagbago ang isip mo sabihin mo lang ah?" sabi ni Lyryc, tumango naman si Elara bilang sagot

"Ako mismo ang magte-train sayo Lyryc, sabihin mo lang sa akin kung kailan ka ready" sabi ni Mr Sandoval saka ngumiti

"Good luck na lang sayo kuya" natawa si Elara saka akmang aalis na ngunit pinigilan siya ni Mr Sandoval

"Hep Elara, saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap" Mr Sandoval

"Ay hindi pa po ba? Hehe" Elara

"Anong balak mo sa buhay mo? Hindi pwedeng wala kang gagawin" Mr Sandoval

"Aaahh hmm" nagiisip si Elara ng kanyang isasagot sa tanong ni Mr Sandoval "Maghahanap po ng trabaho?" nag-aalangang sagot niya

"Hmm trabaho, anong klaseng trabaho?" muling tanong ni Mr Sandoval

7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon