Kinabukasan
Umuwi si Ahera na wala pang tulog, dumeretso siya ng kusina upang kumuha ng tubig kung saan nandoon din si Lianna na nagluluto
"Sis, where's Elara?" tanong niya bago uminom ng tubig
"Kakauwi mo pa lang si El na agad ang hanap mo" nakangiting sabi ni Lianna habang naghihiwa ng mga sangkap para sa kanyang lulutuin "na sa kwarto niya, tulog pa yun 5AM pa lang. Matulog ka muna"
"I think she's my stress reliever"
"Really? Well I guess that's good"
"Sige sis sa taas na muna ako, I need some sleep"
"Not just "some" go sleep the rest of the day"
Kumaway si Ahera bilang sagot habang siya'y naglalakad. Nang makapunta siya sa second floor doon niya napagtanto na hindi niya pala alam kung saan ang kwarto niya. "Argh I forgot to ask where's my room and I'm too lazy to go downstairs" Dahil antok na antok na siya ay pumasok na lang siya sa kwarto ni Elara at doon nahiga sa tabi nito habang nakayakap sa kanya.
Sa kabilang banda kanina pa naghihintay si Calvin sa bus station. "Nasaan na ba si El? Anong oras na wala pa rin siya" tumingin siya sa kanyang relo at 7AM na ng umaga "Ngayon lang yata siya tinanghali ng gising ah mukhang napagod. Papasok kaya siya? Dati rati siya yung nauuna sakin dito"
Samantala, nagising si Elara dahil nararamdaman niya na may nakayakap sa kanya. Dahil siya ay nakatalikod ay ibinaling niya ang kanyang sarili para makita kung sino ang nakayakap sa kanya. "Ate Hera? Pero diba si ate Lian yung katabi ko kagabi?" tanong niya sa sarili, napansin niyang pagod na pagod ito kaya hindi na niya ginising pa. Hinayaan niya lang si Ahera na yakapin siya dahil alam niyang wala pa itong tulog. Dahan dahan niyang inabot ang libro na nasa side table niya, maingat siyang gumalaw upang maayos ang kanyang pagkakahiga at maging komportable habang yakap pa rin ni Ahera pagkatapos ay nagsimula na siya sa pagbabasa ng librong hawak niya.
Makalipas ang tatlumpung minuto nagising si Ahera, nakita niya si Elara na tahimik na nagbabasa ng libro. Tinignan niya ang orasan at nagulat ng malaman kung anong oras na "OMG BABY!" napsigaw siya at biglang napaupo sa kama na siyang ikinagulat naman ni Elara "I'm sorry late ka na, bakit hindi mo ako ginising?" nag-aalalang tanong niya
"Nakakagulat ka naman ate Hera, huwag kang mag-alala ate okay lang yun, late rin kasi akong nagising kaya hindi na rin ako nagtangkang bumangon agad saka mukhang wala ka pang tulog e kaya hinayaan na muna kitang matulog" ngumiti si Elara bilang garantiya
"Aww you're sweet baby" nakangiting sabi niya saka bumalik sa pagkakahiga at muling niyakap si Elara "what time is your next class?"
"Today? It's ahm... 10:30AM why?
"Okay, wake me up in one hour ihahatid kita pagkatapos" ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata at natulog
Maya-maya lang ay kumatok ng dalawang beses si Lianna bago binuksan ang pinto. "Little sis" nakita niyang natutulog si Ahera habang yakap si Elara "oh you're really her stress reliever huh" tahimik siyang natawa dahil dito "by the way, aalis na ako nagluto na rin ako ng breakfast kumain na lang kayo hmm?"
Tumango si Elara "Sige po, ingat ate Lian"
Maharlika University
"Elll! Buti na isipan mong pumasok pa akala ko aabsent ka buong maghapon, kaloka ka bakit hindi ka nagrereply sa mga chats ko?" bungad ni Calliah ng makapasok si Elara sa kanilang classroom
BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
RomantikPitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...