"Cali bakit hindi mo pa ginagalaw yung pagkain mo?" El
"Wala lang akong ganang kumain ngayon" nakatalumbaba niyang sabi
"Huwag mong sabihing iniisip mo yung nangyari kanina?" Zia
"Hindi" maikling sagot ni Cali
"Ano ka ba huwag mong dibdibin yung debate kanina wala ka naman nun" pagbibiro ni Zia
"Hindi siya natawa" bulong ni El
"Alam mo Cali usually madaldal ka e pero after what happened earlier naging tahimik ka na. Mahal mo pa ba?"
"Kumain ka na lang Zia, oh sayo na tong akin" binigay niya yung pagkain niya kay Zia "mauna na ako inaantok ako" umalis na siya dala ang mga gamit niya
Gulat na tumingin si Zia kay El "Totoo bang binigay niya sakin yung pagkain niya?? Dati halos ayaw niyang bawasan ko yun kahit isang butil lang ng kanin pero.. Woaahh!! Hindi to normal El, sinasabi ko sayo hindi to normal!. Baka hindi si Cali yun, baka nagpapanggap lang siya!"
"Ano bang sinasabi mo dyan? Baka inaantok lang talaga siya hayaan na lang muna natin" maya maya pa ay natapos na silang kumain "Zia una na ako ha? Kita na lang tayo sa next class"
"Sure ingat ka"
"Salamat ikaw rin" ngumiti siya
Habang naglalakad si El ay tinawag siya ni Nico na nakasandal sa pader "Hey Sandoval"
"Hi Mr Calvero" nakangiting bati ni El habang naglalakad palapit sa gawi ni Nico
"What did you say?!" seryosong sabi niya at hinarangan si El sa kanyang daraanan
Nagulat si El sa biglaang pagharang sa kanya ni Nico "I-I said "Hi Mr Calvero"" pag-uulit niya "b-bakit?"
Naglakad si Nico papalapit kay El "DON'T. YOU. DARE. Call me by my surname. Got it!?" seryosong sabi niya
"Ikaw ang unang tumawag sakin gamit ang apelyido ko, ginaya lang kita" ngumiti si El na siyang dahilan kung bakit mas lalong nainis si Nico
"Sinusubukan mo ba ako?" lalong sumeryoso ang tingin niya kay El habang patuloy siya sa paglapit at patuloy rin si El sa pag-atras
"A-anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong niya ng mapasandal na siya sa pader at wala ng ibang mapuntahan
"El!" sigaw ni Maze sa di kalayuan "kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala" lumapit siya kina Nico at El "Teka close na kayo? Nico? El?" nagtatakang tanong niya
Seryosong tinitigan ni Nico si El "Hindi. Ilayo mo na sa akin itong kaibigan mo, nagdidilim yung paningin ko"
"Ah hehe sige Nico mauna na kami" dahan dahan niyang hinila si El papalayo kay Nico
"Salamat Maze, buti na lang dumating ka. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dun sa kaibigan mo bigla bigla na lang umiinit yung ulo" pagpapasalamat ni El habang naglalakad sila papunta sa kanilang next subject
"Pasensya na, ganun talaga yun pero mabait yun. Hindi pa lang siguro kayo gaanong close sa ngayon kaya medyo masungit pa siya sayo pero kapag naging close kayo? Tiyak na magkakasundo kayo nun"
Nang matapos ang kanilang klase dumeretso na si Elara papunta sa bus station para umuwi. Habang naglalakad ay nakita niya sina Xeven at Tiago sa may gilid ng kalsada na parang may problema kaya nilapitan niya ito.
"Anong problema? May maitutulong ba ako?"
"El ikaw pala, ano kasi nawalan ng gasolina itong motor ko, diko namalayan konti na lang pala yung laman kaya ayun naubos" nahihiyang pag-amin ni Xeven
BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
RomancePitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...