CHAPTER 66: Lyryc and Alisha's Wedding

10 1 0
                                    


Kinabukasan. Magkakasama sina Lyryc, Alisha, at Samara na nagpasukat ng damit para sa gaganapin nilang kasal. Pagkatapos nilang magpasukat ay nagtungo naman sila sa kanilang wedding planner.

"Good afternoon Mr Silverio, I am Jazmin Lim and I will be the one who will handle your wedding along with my team and the wedding organizer. Medyo malelate lang daw po ng konti si Miss Medina pero on the way na rin siya na traffic lang" pagpapakilala ni Jazmin na kanilang wedding planner

"Miss Lim this is my fiance, Alisha and our daughter" pagpapakilala ni Lyryc sa mag ina niya saka kinuha si Samara na natutulog at buhat ni Alisha

"Nice to meet you Ma'am Alisha" nakangiting inabot ni Jazmin ang kamay niya para makipag shake hands

"Nice to meet you rin po" nakangiting sabi ni Alisha saka nakipag shake hands

"Please take a sit" aya ni Jazmin, naupo naman sila Lyryc at Alisha

"Matagal pa ba yung wedding organizer? May kailangan pa kasi kaming puntahan after this" sabi ni Lyryc

"20 minutes pa raw po bago siya makarating. Kung nagmamadali po kayo pwede naman na nating umpisahan at pag usapan ang mga gusto niyong mangyari sa kasal niyo, ako ng bahalang magsabi sa kanya ng mga napag usapan natin" nakangiting sabi ni Jazmin

"Thank you" Lyryc

"Anong klaseng kasal po ba ang gusto niyo? Civil wedding? Modern wedding? Hotel? Backyard? Banquet halls? Beach? Or do you have something in mind?" Jazmin

"We want yacht wedding" sagot ni Lyryc saka nakangiting tumingin kay Alisha

"Limited lang po ang pwedeng makapunta dito" paalala ni Jazmin

"Opo, small wedding lang po kasi ang gusto namin" sagot ni Alisha

"Ilan po ba ang estimated na bisita niyo?" tanong ni Jazmin

"Hmm less than 30 person po" sagot ni Alisha

"Paki tingnan po itong brochure na ito" inabot ni Jazmin ang isang brochure sa lamesa "Yan po yung iba't ibang design na pwede nating idecorate sa wedding niyo"

Kinuha ni Alisha ang brochure saka tiningnan ang mga design and decoration na pwede sa kasal na gusto nila. Sinulat naman ni Jazmin ang mga gusto at plano nila Lyryc at Alisha para sa kanilang kasal.

"Thank you Mr Silverio and Ms Arevalo for your trust, makakaasa po kayo na gagawin namin ang lahat ng gusto niyo regarding your wedding. Advance congratulations po sa inyong dalawa" nakangiting sabi ni Jazmin ng matapos na nilang maplano ang mga gagawin sa kasal

"Salamat rin po, mauna na po kami" paalam ni Alisha

"I'm so sorry I don't intend to be late sobrang tra-... Lyryc" sabi ni Nicole ng makarating sa loob ng kanilang opisina at makita si Lyryc

"Nicole, ikaw yung wedding organizer namin?" tanong ni Lyryc saka ngumiti

"Ikaw ang kliyente namin?"

"Yeah, mag-ina ko nga pala" pakilala ni Lyryc sa mag ina niya "Kamusta ka na?" tanong niya

"Excuse me" sabi ni Nicole saka dali daling umalis

"Nicole, Nicole sandali!" tawag ni Lyryc pero hindi lumilingon si Nicole "Can I?" paghingi ng permiso ni Lyryc kay Alisha

"Sure, akin na si Sam sa sasakyan na lang kami maghihintay" pagpayag ni Alisha saka ngumiti

"Salamat, sandali lang ako" sabi ni Lyryc ng maibigay niya si Samara kay Alisha saka sinundan si Nicole


7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon