Chapter 4: Invited

28 1 0
                                    


"Anak pasensya na hindi kita ma ihahatid ngayon kailangan ko na talagang umalis. Mag-taxi ka nalang muna wala pa akong nahahire na driver mo" Nagmamadaling sabi niya saka hinalikan si El sa noo bago tuluyang umalis

"P-pero daddy! Wait! haaayyyy nakaalis na" dismayadong sabi niya

Dahil sa walang maghahatid ay napilitan si Elara na mag abang nalang ng taxi kahit hindi niya pa alam kung paano

"Hindi ko alam kung paano tumawag ng taxi" kinakabahang sabi niya sa sarili "ah alam ko na magbabus nalang ako may napapanood naman ako sa mga drama kung paano sumakay ng bus" Naglakad siya patungo sa malapit na bus station sa lugar nila

Sa di kalayuan nakita ni Calvin si El at narinig ang mga sinabi niya "Too cute to handle" nakangiting bulong niya sa sarili saka sinundan si El sa paglalakad

Maya maya pa nakarating na sila sa bus station

"Ayan nandito na ako, ngayon kailangan ko nalang hihintayin yung bus" sabi ni El sa sarili

Nakalipas na ang sampung minuto pero wala pa rin yung bus

"ano ba yan 10 minutes na ako dito, malelate na ako ang tagal naman nung bus" kinakabahang sabi niya

Narinig ni Calvin ang lahat ng mga pinagsasabi ni El at pasikretong tumatawa

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nakarating ang bus na sasakyan nila. Dali-daling pumasok si El pero pinigilan siya ng driver

"Ineng bayad mo? Scan mo muna yung card mo bago ka pumasok"

"a-ahh oo nga pala hehe sorry po" kinakabahang sabi niya "manong wala po ako nun, c-cash nalang po okay lang? I-Ito po" inabot niya ang pera sa driver

"Naku ineng wala ka bang barya? Maaga pa, wala pa akong maisusukli sa 1k mo"

"W-wala po e, ito lang po yung meron ako"

"Alam mo Ineng kung wala kang barya bumaba ka nalang, nakakaabala ka na sa mga pasahero ko, may papasok pa sa likod oh" medyo masungit na sabi nito

"P-pero kailangan ko pong-" naputol ang kanyang sasabihin ng i scan ni Calvin ng dalawang beses ang card niya at nagsalita

"Pasok na miss" nakangiting sabi ni Calvin

"S-salamat" nahihiyang sabi niya saka naupo sa may tabi ng bintana "Mukhang tama si Cali, mabait nga siya"

Sa kabilang banda palihim na napapangiti si Calvin habang nakaupo sa likod ni El


Ilang sandali pa, nakarating na si El sa classroom nila at agad naupo sa kanyang upuan dahil nagtuturo na ang kanilang guro

"Bakit late ka?" bulong ni Cali

"Nag bus ako" bulong niya pabalik

"Akala ko hindi ka marunong mag commute?"

"Yun nga e muntik pa akong hindi pasakayin sa bus kanina, wala kasi akong bus cad tapos wala namang barya si manong sa pera ko"

"Ahh edi naglakad ka kaya ka na late?"

"Hindi no ang layo layo nito, tinulungan ako ni Calvin tapos medyo na traffic lang"

"Calvin? You mean that Vry Calvin Arevalo?!" gulat siyang napatingin sa gawi Calvin na kakapasok lang sa classroom nila

Dahil sa bulungan ng dalawa napansin sila ng kanilang guro "Ms Hernandez baka naman gusto mong ishare dito sa harap yang pinag-uusapan niyo ni Ms Sandoval?" seryosong sabi niya

7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon