CHAPTER 56: Dancing in the rain

10 1 0
                                    


Kinabukasan

"Calling the attention of all graduating students, please proceed to our gymnasium the practice for your graduation march will start soon" pag announce ng isang guro na naka assign sa graduation march practice

"Halla magi-start na ulit hindi pa ako tapos sa meryenda ko" reklamo ni Mazen habang naglalakad papuntang gymnasium

"Ehem... Willing to help" pagpaparinig ni Calliah

"Hmp! Ikaw na nga ang naka ubos ng pagkain ko noong Friday" sabi ni Mazen

"Friday pa naman yun Monday na ulit ngayon oh, panibagong araw panibagong buraot ganon ang tamang mindset" pang-aasar ni Calliah

"Bahala ka nga jan, Calvin oh yung nililigawan mo kinukulit ako" lumapit si Mazen kay Calvin na parang batang nagsusumbong

"Gusto mo ba yung pagkain ni Maze? Bibilhan kita" tanong ni Calvin kay Calliah

"Hindi, ang sarap niya lang kasing asarin minsan" natatawang sagot ni Calliah

Makalipas ang dalawang oras natapos na ang kanilang practice, nang sila'y paalis na sa gymnasium ay biglang may lumapit kay Elara na lalaki "Salamat dito sa mga notes mo naayos ko na yung grades ko" nakangiting sabi ng lalaki

"Wala yun, thank you sa pagbalik nito" nakangiting sagot ni Elara

"Nakakapanghinayang" sabi ng lalaki habang nakatitig kay Elara

"Ang alin?" tanong ni Elara

"Alam kong hindi ko na dapat sabihin sayo 'to pero matagal na kitang gusto. Actually may balak nga akong ligawan ka kaso naunahan ako ng kaba kaya ipinagpaliban ko muna. Kung alam ko lang na sa pagpapaliban ko na yun ay maaari kang makuha ng iba, sana pala tinuloy ko nalang" malungkot na napangiti ang lalaki "Kung wala ka lang boyfriend ngayon liligawan na talaga kita." pagbibiro niya

Nilapitan ni Nicolai sila Elara ng makitang seryoso na ang pinag-uusapan nila ng lalaki, narinig niya ang huling sinabi ng lalaki kaya naman sa inis ay tinitigan niya ito ng masama "Condolence to your heart she's off limit, back off" seryoso niyang sabi sa lalaki

"Chill wala naman akong gagawin, pero kapag sinaktan mo siya asahan mo isa ako sa nakaabang para agawin siya sayo" sabi ng lalaki saka ngumiti kay Elara bago umalis

Napansin ni Elara ang pahkuyom ng kamay ni Nicolai kaya naman hinawakan niya ito "Huwag mo na lang pansinin yung sinabi niya. Tara na? Hinihintay na nila tayo mukhang gutom na sila" nakangiti niyang sabi

"Minsan gusto kitang ibulsa para ako lang ang makakita ng mga ngiti mo. Gusto kong ipagdamot yan sa iba kasi mas dumarami ang kaagaw ko sayo" sabi ni Nicolai

"Nagseselos ka ba sa kanya? Classmate ko lang yun sa isang subject" paglilinaw ni Elara

"I know that baby, classmate mo lang siya pero nakakaselos talaga yung mga tingin niya sayo kanina gusto ka niyang agawin sakin" Nicolai

"Hindi ako magpapa-agaw Jaze, kaya ngumiti ka na jan mas gwapo ka kapag nakangiti" paniniguro ni Elara saka ngumiti

"Tsk" napalitan ng kilig ang inis na nararamdaman ni Nicolai kaya naman napangiti narin siya

"Matagal pa ba yan? Gutom na po kami!" sigaw ni Mazen mula sa kinatatayuan nila may kalayuan kila Elara at Nicolai

"Tara na, gutom na nga sila" sabi ni Nicolai saka binuksan ang dala niyang payong saka pinayungan si Elara, nakasilong sila ngayon sa iisang payong at naglalakad patungo sa mga kaibigan nila. Habang naglalakad patungong cafeteria ay tumatakbong sinalubong sila ni Tiago

7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon