Makalipas ang ilang araw, namasyal sa mall sina Zia, Calliah, at Elara
"Sa wakas naka gala rin tayo" masayang sabi ni Calliah habang bitbit ang mga paperbag na pinamili
"True girl. Ngayon lang lumuwag ang schedule natin deserve natin 'tong mga 'to no" nakangiting sabi ni Zia habang bitbit rin ang mga pinamili
"Tama hahaha, ikaw El sigurado kang yan lang ang bibilhin mo? Dalawang libro? Ayaw mo bang bumili ng bagong damit, sapatos or bag like us?" tanong ni Calliah
"Anong problema sa libro? Saka marami pa naman akong damit sa kwarto, okay pa yun. Hindi ko pa nga nagagamit yung ibang pinamili ni Tita Kate para sa akin e" sagot ni Elara
"Ay sana all talaga may sponsor hahaha" sabi ni Zia "Hayaan mo na siya Cali balak niya yatang magpatayo ng bookstore" pagbibiro niya
"Or coffee shop kakalabanin ko yung business ni Cali" pagbibiro ni Elara
"Aba talaga lang ha?" sabi ni Calliah saka sila nagsitawanan "Saan tayo kakain? Gutom na ako"
"Ako rin, dyan na lang siguro tayo sa malapit" Elara
"Sa fast food na lang tayo anong gusto niyo, Jollibee? McDo? KFC? Chowking? Or what?" Zia
"KFC" sabi ni Elara
"McDo" sabi naman ni Calliah
"Okay sa Jollibee tayo" sabi ni Zia saka nagsimulang maglakad
"Nagtanong ka pa" napapa-iling na sabi ni Calliah saka sumunod na kay Zia, habang si Elara naman ay natawa nalang
Sa kabilang banda, si Nicolai ay bumisita sa bahay nila Elara para ayain siyang lumabas ngunit ng kakatok na siya ay sakto namang lumabas si Lyryc
"Oh bayaw anong ginagawa mo dito? Miss mo'ko?" pagbibiro ni Lyryc
"Kadiri ka" natatawang sabi ni Nicolai "Si Iri? Tulog pa ba?" tanong niya
"Ha? Hindi ba nagsabi sayo? Umalis sila kanina kasama sila Cali at Zia" sagot ni Lyryc
Tinignan ni Nicolai ang cellphone niya para tingnan kung nagtext ba si Elara pero wala itong text "Ah baka nakalimutan lang... San punta mo? Kila Elise ba? Sama ako"
"Sige, matagal tagal ka naring hindi nagpapakita kay Sam nagtatampo na nga yun e" sabi ni Lyryc
"Don't worry babawi na lang ako kay Elise. Ano nga ulit yung gustong gusto niyang disney movie ngayon?" Nicolai
"Ah Frozen, naka ilang ulit niya ng pinanood yun" natatawang sabi ni Lyryc
"Haha ganun talaga. Sige na mauna ka na baka hinihintay ka na nila, susunod na lang ako bibilhan ko pa ng pasalubong si Elise" Nicolai
"Okay, sunod ka ah?" tumango naman si Nicolai bilang sagot kaya nauna ng umalis si Lyryc.
Samantala, nasa Jollibee na sina Zia, Calliah, at Elara
"Ano ba yan Zia, kumain ka kaya muna puro ka cellphone" puna ni Calliah dahil kanina pa hawak ni Zia ang cellphone nito
"Wait lang, naga-update lang ako kay Rash" tugon ni Zia na nakatutok pa rin sa kanyang cellphone
"Bahala ka nga jan" pinagpatuloy ni Calliah ang pagkain niya "Ikaw El hindi ka ba maga-update?" tanong niya
"Mamaya na siguro, baka busy yun" sagot ni Elara, bigla namang tumunog ang cellphone niya dahil naka receive ito ng text
"Oh ayan na hindi na busy, sige na replyan mo na okay lang ako" sabi ni Calliah "Buhay single nga naman buti nalang may pagkain na handa akong damayan" sabi niya sa kanyang sarili
BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
RomancePitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...