Kinabukasan
"Naku anak, oo na, gwapo ka na. Nakailang palit ka na ng damit mo oh" nakangiting sabi ni Mrs Calvero habang nakatingin kay Nicolai na nakatingin sa salamin
"Syempre po first monthsary namin 'to mom, dapat gwapo talaga ako para mas mainlove pa siya sakin" sabi ni Nicolai
"Sus batang 'to, saan mo ba siya balak dalhin?" tanong ni Mrs Calvero
"Sa bundok po, magha-hiking kami tapos pag hapon na magpapalipad kami ng lantern" nakangiting sagot ni Nicolai habang ini-imagine ang mangyayari
"Magha-hiking kayo? Alam ba 'to ni Elara?" muling tanong ni Mrs Calvero
"Actually hindi pa po, surprise ko yun sa kanya. Nabanggit niya kasi sakin na gusto niyang matry mag-hiking" sagot ni Nicolai
"Teka safe ba yan? May mga safety gear ka ba? Paano kung nakaheels pala si Elara nakuu mahihirapan siyang umakyat anak"
"Mom okay na po lahat, may dala akong safety gear namin at extrang damit rin. Dinalhan ko na rin si Cali para sure. Kumpleto na po lahat ng kakailanganin namin."
"Cali? Yung kaibigan ba yan ni Elara?"
"Opo" sagot ni Nicolai habang inaayos ang kanyang buhok
"Oh e bakit kasama siya? First monthsary niyo 'to tapos may chaperone?" nagtatakang tanong ni Mrs Calvero
"Yun po yung bagong rule ni Tito, kailangan namin ng chaperone lalo na kung may tendency na gabihin kami sa lakad namin" paliwanag ni Nicolai
"Bakit daw?" curious na tanong ni Mrs Calvero
"Pumalpak po kasi ako sa last outing namin. Hindi ko naiuwi si El sa ipinangako kong oras"
"Ahh kasalanan mo naman pala. Mabalik tayo, may alam ka ba about sa pagha-hiking?"
"Mom hindi ko naman po sila ipapahamak kaya syempre po may background na ako. Tinuruan ako ng mga nakilala kong grupo na madalas mag hiking, kung ano ba yung mga dapat gawin at dapat dalhin. Nung nakaraang araw inaya po nila ako, so I'll take this opportunity para matupad rin ang gusto ng mahal ko" nakangiting sabi ni Nicolai
Napangiti naman si Mrs Calvero "Oh siya sige na, baka kanina ka pa hinihintay nila Elara, ikamusta mo na lang ako sa kanila okay?" bilin niya
"Noted po, bye mom" humalik pa sa pisngi ni Mrs Calvero si Nicolai bago umalis
Sa kabilang banda, naghihintay na sa park sila Elara at Calliah. "Hay nako pasalamat ka wala akong gagawin today kaya okay lang na maging chaperone niyo" sabi ni Calliah
"Sure ka, hindi dahil sa libre?" pagbibiro ni Elara
"Syempre isa na yun no" natatawang sabi ni Calliah "Si Zia ba niyaya mo?" tanong niya saka uminom sa kanyang milk tea
"Oo kaso busy daw siya may kailangang asikasuhin"
"Baka may date rin sila ni Rash"
"Siguro, hindi niya nabanggit e"
"Pagdating ni Nicolai aasarin ko yun ng malala hahaha"
"Bakit nanaman? Mamaya magka pikunan na kayo niyan"
"Hindi yan hahahaha hindi kasi nagche-check ng sasakyan kaya ayan tuloy kailangan niyo na ng chaperone" tumatawang sabi ni Calliah
"Hindi niya naman kasalanan na naflatan kami, nangyayari naman talaga yun minsan" depensa ni Elara
"Ayieee pinagtatanggol" panunukso ni Calliah
"Hay nako Cali tigil tigilan mo yan" umiiling na sabi ni Elara
BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
RomancePitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...