Text
Calliah
"El"
"Nasaan ka nanaman ba?"
"May balak ka pa bang pumasok? Hindi kita mahanap sa library"
"Where are you?"
Elara
*Nag send ng picture ng rooftop*
"Rooftop"
Calliah
"Anong ginagawa mo jan?"
"Don't tell me.."
"Wait, I'm coming!!"
Nagmamadaling tumakbo si Calliah papunta sa rooftop kung nasaan si Elara. Hingal na hingal siyang nakarating doon. Agad naman niyang nakita si Elara na nakatayo habang nakahawak sa barrier ng rooftop
"EL! Oh my gosh!" nag-aalalang sabi ni Calliah habang hinihingal pa
"Cali, bakit ka tumakbo? Saka yung message mo haha chill lang okay? Hindi naman ako tatalon, don't worry" nakangiting sabi ni Elara
"Ikaw naman kasi ano bang ginagawa mo dito?"
"Nagpapahangin lang"
"Duh may aircon yung classroom doon ka magpahangin hindi dito"
"What's wrong? Ang ganda kaya dito kita mo yung tanawin sa baba, saka yung hangin ang lamig sa balat"
"Haynako ewan ko sayo, minsan talaga ang weird mo. Pero El please huwag ka ng pumunta dito ako yung natatakot para sayo e"
"Cali it's okay, hindi naman ako tatalon"
"Last time kasi balak mong tumalon, na trauma na yata ako sayo" napabuntong hininga nalang siya "basta last mo na to, please lang"
"I can't Cali, rooftop is my safe place. Pangako hindi ako tatalon"
"Promise?" inilahad ni Calliah ang kamay niya upang makipag pinky swear
"Cali hindi na tayo bata para gawin pa yan, wala ka bang tiwala?"
"Hindi naman sa ganon, pero mas mapapanatag kasi ako kung gagawin natin 'to. Dali na nangangawit na ako e"
"Okay fine" nakipag pinky swear naman si Elara sa kaibigan "I promise, hindi ako tatalon sa rooftop na'to... sa iba na lang" pang-aasar niya
"ELARA!" hinampas ni Calliah ang braso ni Elara dahil sa sinabi nito
"Araaayyy" tumatawang reklamo ni Elara "joke lang e"
"Hindi magandang biro" seryosong sabi nito
"Sorry na... hmm ice cream?" alok ni Elara upang makabawi sa kaibigan
"No thanks" maikling sagot ni Calliah saka umalis ng rooftop
"Halla, uy Cali joke lang naman e sorry na"
Agad na sinundan ni Elara si Calliah pababa ng rooftop, pero dahil sa mabilis na paglalakad ng kaibigan ay hindi na niya ito naabutan.
"El sinong hinahanap mo?"
"Xeven ikaw pala, si Cali hinahanap ko nakita mo ba? Ang bilis maglakad e"
"Ahh si Cali? Nakita ko papunta sa room niyo"
"Salamat, mauna na ako ah" nagmamadaling pumunta si Elara sa kanilang classroom. Agad niyang nilapitan si Calliah upang mag sorry "Cali... sorry na oh. Biro lang talaga yun hindi ko intensyon na saktan ka... pangako hindi na mauulit" panunuyo niya ngunit imbis na kausapin siya ni Calliah ay lumipat ito ng upuan

BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
RomancePitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...