Kinabukasan, naging busy si Nicolai sa mga meetings na kailangan niyang puntahan.
Kumatok muna si Calvin sa office ni Nicolai bago pumasok "Couz 7:50 na, 10 minutes mag-i-start na yung meeting with Marketing department, naka ready na sila" paalala niya
"Okay" maikling tugon ni Nicolai habang nagbabasa ng mga papeles
"Bumili ako ng kape" sabi ni Calvin saka nilagay sa table ni Nicolai ang kape na binili niya
"Salamat" sabi ni Nicolai bago uminom ng kape "Tara na" tumayo siya dala ang kape saka nagtungo sa meeting room
Makalipas ang isang oras ay natapos na ang kanilang meeting with Marketing department, susunod naman ang meeting with production planning and control department "Nasa labas sila, papapasukin ko na ba?" tanong ni Calvin
"Give me at least 10 minutes break" sagot ni Nicolai
"Okay sasabihin ko sa kanila" lumabas si Calvin ng meeting room para iinform ang mga ka meeting ni Nicolai "Sorry guys, ang hectic ng schedule niya ngayon, okay lang bang maghintay muna kayo ng kahit 10 minutes bago pumasok?"
"Okay lang po, medyo kinakabahan din po kami e" tugon ng isang empleyado
"Huwag kayong masyadong kabahan hindi nangangain si boss" nakangiting sabi ni Calvin
Makalipas ang sampung minuto, pumasok na ang mga empleyado sa meeting room. Pagkatapos ng meeting ay dumeretso si Nicolai sa office niya para reviewhin ang ilang papeles. Bakas sa pagkilos niya ang pagod habang binabasa ang mga paperworks, at pirmahan ang mga dapat niyang pirmahan
"Couz ano kaya pa?" tanong ni Calvin
"May choice ba ako?" tanong pabalik ni Nicolai
Natawa naman si Calvin sa sagot ni Nicolai "Sabi ko nga wala, tara kain na tayo" aya niya
"Anong oras na ba?"
"11:55 am, tara na kumain may meeting ka pa ng 1 pm"
"Sige san tayo?" tumayo si Nicolai at inayos ang ilang gamit niya
"Dyan na lang sa malapit para makapag pahinga ka kahit papaano, mukhang stress ka na e" sagot ni Calvin
"Mabuti pa nga"
Sa kabilang banda magkakasama sina Calliah, Elara, at Zia sa coffee shop ni Calliah habang nagkwekwentuhan
"Okay na yung business namin medyo nakakabawi na ulit, nakakabawas na rin ng utang. Kung hindi lang talaga tinakbo ng kaibigan ni daddy ang lahat ng pera nila hindi malulubog sa utang ang shop namin, edi sana marami ng branches yun ngayon" kwento ni Zia
"Ano ka ba huwag mo ng balikan para hindi ka na ma-stress dyan, ang mahalaga napakulong niyo na siya at nakakabawi na ulit ang business niyo" sabi ni Calliah
"Dapat lang sa kanya na makulong deserve niya yun, kaso yung pera wala na haaayy" napabuntong hininga si Zia "Salamat nga pala El sa pinsan mong lawyer, may asawa na ba yun? Girlfriend?" tanong niya
"Hoy! May boyfriend ka na ah" hinampas ni Calliah si Zia
"Araay! Tinatanong ko lang naman" reklamo ni Zia "Ang gwapo kasi" dagdag pa niya
"Hindi ko pinsan si kuya Reign, boyfriend siya ni ate Lian" nakangiti sagot ni Elara
"Boyfriend siya ni ate Lian?" pag-uulit ni Zia "Wooww bilib na talaga ako sa pamilya mo El. Biniyayaan na nga kayo ng kagandahan tapos yung mga nakakarelasyon niyo ganun din, isa pa mayaman kayo, masaya pamilya niyo, sana all talaga"
BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
RomancePitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...