Nadatnan nila Rashmi, Xeven, at Mazen si Nicolai sa kanyang bahay. Nakaupo ito sa sahig habang nakasandal sa sofa at umiinom ng alak "Nico, anong nangyari?" tanong ni Rashmi
Ngumiti ng malungkot si Nicolai "Namimiss niya daw si Hezron" sabi niya saka muling uminom ng alak
Naupo sila Rashmi, Xeven, at Mazen sa sofa para samahan si Nicolai "Hindi ko alam kung bakit sa kanya pa napiling tumibok nitong puso ko, hindi ko ginusto pero ito yung nararamdaman ko" panimula ni Nicolai "Sa tuwing nakikita ko siya na nakatitig sa litrato niya, alam ko... Alam ko sa sarili ko na siya pa rin ang mahal niya at hindi ko siya kayang palitan sa puso ni Iri" muling uminom si Nicolai ng alak. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy "Ang hirap... Ang hirap lang kasi na hindi ko nakikita yung kalaban ko, hindi ko alam kung paano ko siya maagaw dun sa Hezron na yon gayong kahit wala na siya, siya pa rin yung laman ng puso ni Iri... Ang hirap makipaglaban lalo't alam ko na hindi lang siya yung kalaban ko kundi pati yung puso ni Iri. Sobrang hirap" hindi na napigilan ni Nicolai at naluha na siya sa harap ng mga kaibigan niya "Ganito ba talaga mag mahal? Ang alam ko kasi kapag nagmamahal sumasaya, pero bakit ganito?Ang sakit, ang sakit sakit. Sobrang sakit" pinunasan ni Nicolai ang luha niya
"Masarap mag mahal, pero mas masarap 'to kung mahal ka rin ng taong mahal mo" sabi ni Rashmi
"Buti ka pa mahal ka ni Zia. Ingatan mo siya bro ah, hindi lahat nararanasang mahalin ng taong mahal nila pabalik" sabi ni Nicolai saka uminom ng alak
"Gaya mo?" maikling sabi ni Xeven
Malungkot na tumango si Nicolai "Gaya ko. Pero gagawin ko ang lahat lahat para mahalin niya rin ako. Kahit ano pa yan, gagawin ko. Kahit gaano kahirap, kahit gaano katagal"
"Yan ka nanaman, hindi ka ba nagagalit sa kanya?" inis na tanong ni Xeven
"Hindi ako galit sa kanya Xev, galit ako sa sitwasyon namin. Biruin niyo, bakit 'diba? Bakit kailangan naming magkita ng hindi siya buo? Bakit kailangang siya pa yung makaranas ng ganong sakit? Bakit hindi na lang yung iba? Marami namang masasamang tao dyan so bakit siya pa yung kailangang mamatayan ng boyfriend? Hindi niya deserve e... Hindi." paliwanag ni Nicolai
"Hindi mo rin deserve na masaktan ng dahil sa kanya at sa sitwasyon na pareho niyo namang hindi ginusto. May choice ka naman Nico para makaiwas sa sakit na pwede mong maranasan sa kanya, pero bakit hindi mo gawin?" sabi ni Rashmi
"Choice?" sarkastikong natawa si Nicolai "Yung choice na sinasabi niyo ay iwan ko siya, pero paano ko gagawin yun? Siya na yung buhay ko, siya yung mundo ko! Kung wala siya, ano pang silbi ng buhay ko? There's no sense to live without the woman you've dreamed of."
"Ano bang sinasabi mo? Nabuhay ka nga ng mahigit dalawang dekada na wala siya, ngayon mo pa ba hindi kakayanin? Nandito kaming mga kaibigan mo, si Tita Kate, si Sam, yung pangarap mo. Ang ganda kaya ng mundo, pwede natin 'tong libutin and that can be the reason to live too. You see, there are a lot of reasons to live, hindi lang siya ang pwedeng maging dahilan nito. Maraming nagmamahal sayo Nico kahit ganyan ka" seryosong sabi ni Xeven
"What do you mean "ganyan ka"? Is it even a compliment?" sabi ni Nicolai
"Ganyan ka... Pangunahin sa pagiging loko loko, samin lang mabait at madalas ngumiti, magaling sumayaw, kumanta, sa instrument. Higit sa lahat ganyan ka ka-martyr pagdating kay El" sagot ni Xeven "Hindi ka naman si GomBurZa pero no offense ang MARTYR mo talaga" dagdag pa niya
"Nico, hindi natuturuan ang pusong mag mahal. Baka lalo ka lang masaktan kung ipagpapatuloy mo pa ang relasyon niyo" sabi ni Mazen
"Siguro nga hindi natuturuan ang puso na mag mahal pero kaya naman sigurong mabago ang laman non" sabi ni Nicolai
BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
RomancePitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...