Dumating na ang araw ng kanilang pag-alis papuntang Kahana beach resorts. Naghahanda na ang mga estudyante at naghahanap narin ng kanilang makakatabi sa bus para mamaya. Magkahiwalay ang bus ng block 1 sa block 2.
"Rash sinong katabi mo sa bus mamaya?" Mazen
"Ako" sagot ni Calvin at kumindat pa kay Rashmi
Mukhang alam na ni Rashmi ang gustong gawin ni Calvin kaya naman kumindat rin ito pabalik "Sorry Maze si Calvin na yung katabi ko e"
"Hmm sige hahanap na lang ako ng iba"
"El tabi tayo mamaya ah" Calliah "El tabi tayo sa bus mamaya" Zia. Sabay nilang aya kay Elara
"Zia ako yung nauna"
"Ako kaya diba El?"
"Parang mas okay kung kayo na lang dalawa ang magkatabi para walang away" Elara
"Uubusin nya lang yung pagkain ko e" Calliah
"Baka ikaw pa nga ang umubos ng baon ko" Zia
"Students pumasok na kayo sa bus, mahaba haba pa ang biyahe natin" sabi ng kanilang dean.
Sumunod naman agad ang mga estudyante at naghanap na ng mauupuan sa bus. Magkatabi sina Rashmi at Calvin sa may bandang dulo sa right side, sila Zia at Calliah naman ay sa tapat nila Rashmi sa left side, habang si Elara ay naka puwesto sa harap nila. Naghahanap pa rin ng pwedeng maupuan si Mazen ngunit ang bakanteng upuan na lang ay sa tabi ni Elara.
"Maze dito may bakante pa" turo ni Rashmi sa bakanteng upuan sa tabi ni Elara
"Okay" lumapit siya sa bakanteng upuan, habang si Elara naman ay nakatingin lang sa may bintana at walang alam sa nangyayari. Nagdadalawang isip si Mazen kung uupo ba siya doon o hindi. "A-ahm.. El-" naputol ang sasabihin niya ng biglang magsalita ang driver ng bus
"Iho dalian mong umupo para maka-alis na tayo"
"Maupo ka na sa tabi ni El wala pa namang nakaupo jan" Rashmi
Narinig ni Elara ang sinabi ni Rashmi kaya napatingin ito kay Mazen na nakatayo parin "wala ka pa palang upuan, halika maupo ka na dito" sabi niya at inalis ang kanyang bag sa bakanteng upuan
Naupo na si Mazen sa tabi ni Elara ng hindi man lang tumitingin dito. Tahimik lang siya sa buong biyahe hanggang sa makarating sila sa resort. Nang huminto ang bus ay agad siyang tumayo at lumabas mula rito
"Tingin ko iniiwasan ako ni Maze, hindi na niya kasi ako pinapansin pagkatapos ng nangyari. Galit kaya siya sakin? Sa tingin niyo ano ba ang dapat kong gawin?" Elara
"Alam mo El hindi naman lahat ng umiiwas ay galit, kasi yung iba nasasaktan. Nasaktan siya na hindi mo kayang ibalik yung pagkagusto na kaya niyang ibigay sayo" Calliah
"Wala kang dapat gawin El, hayaan mo nalang muna siya. Bukas o sa makalawa magiging okay rin kayo, baka kailangan niya lang ng oras para makapag isip isip" Zia
"Nagmomove on lang siya El don't worry babalik rin siya sa dati" Calvin
"Tara na kanina pa tayo tinatawag dun" sabi ni Rashmi at nauna ng bumaba sa kanila
"Oh halina kayo, kayo na lang ang hindi pa nakaka bunot ng number" sabi ni dean ng makita sila Elara na bumaba ng bus
Sunod sunod naman silang bumunot sa box "Para saan po ito Dean?" tanong ni Calliah
"Hanapin nyo kung sino yung kapareho niyo ng number sa kabilang block at siya ang makakasama niyo sa kwarto. Don't worry there are 2 beds in every room" Dean
BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
RomansaPitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...