CHAPTER 9: Reception

18 1 0
                                    



"Little sis" masayang bati ni Lianna habang papunta kay Elara saka ito niyakap

"Ate Lian" masayang yumakap pabalik si Elara

"Finally... how are you?"

"I'm fine, thank you. Ikaw ate kamusta?"

"I'm good, I'm glad to be your sister, officially." nakangiting sagot ni Lianna

Ilang sandali pa ay lumapit rin sina Ahera at Lyryc "Yehey! Sa wakas may baby sister na rin kami" masayang yumakap si Ahera ng makita si Elara, yumakap naman ito pabalik

"Tsk! Ayaw mo na ng baby brother?" selos na wika ni Lyryc habang naka crossarm pa

"Sus selos naman ang brother ko" inakbayan ni Ahera si Lyryc dahilan upang mapayuko ito ng kaunti dahil mas matangkad siya sa ate niya "ang tangkad tangkad mo na ah, dati hanggang baiwang lang kita hahaha" nang-aasar na sabi ni Ahera habang ginugulo ang buhok ni Lyryc

"Ate Hera naman e stop that you're ruining my hairstyle" reklamo niya saka inalis ang pagkaka akbay ng kapatid "buti hindi ka busy ngayon?"

"Naka leave ako today"

"Uy bago yan ah? After almost two years nag-leave ka rin sa wakas haha. Ate Lian anong pinakain nyo dito?" nang-aasar na wika niya

"Tama na yan mamaya magkapikunan pa kayo" suway ni Lianna sa dalawang kapatid "Little sis where's your friends? Kumain na ba kayo?"

"Ah nagpunta lang sila ng restroom saglit ate, susunod na rin kami hihintayin ko lang sila"

"Samahan ka na namin sa paghihintay" Ahera

"Ahm... not me, exit na ako hinihintay na kasi ako dun nila Rash. See you later Elara" Lyryc


Maya maya pa ay dumating na sina Calliah at Zia "Ate Lian, Ate Hera, this is Cali and Zia mga kaibigan ko. Cali, Zia, mga ate ko" pagpapakilala ni Elara sa mga kaibigan niya

"Calliah? Long time no see" Dahil sa halong pagkagulat at saya ay niyakap ni Ahera si Calliah, ganon rin naman ang ginawa ni Lianna.

"It's nice to see you again" nakangiting sabi ni Lianna kay Calliah

"Masaya rin po akong makita kayong muli mga ate" nakangiting sabi ni Calliah

"Nice to meet you Zia" bati ni Lianna kay Zia at niyakap rin ito

"Nice to meet you Zia" yumakap rin si Ahera sa kanya

"Nice to meet you too po" nahihiyang sabi ni Zia

"We are Elara's sister starting today" nakangiting wika ni Ahera sa dalawa

"Mukhang magkakilala na po kayo" sabi ni Elara habang nakatingin sa mga kapatid at kay Calliah

"It's a long story but yes we already knew each other baby, she's my patient before and ate Lian help their business para hindi bumagsak at malugi" maikling kwento ni Ahera

"Ohw okay" dahan dahang tumango si Elara saka bumulong kay Calliah "Hindi mo nabanggit sa akin yun ah?"

"Hindi ka naman kasi nag tanong" Natatawang sagot ni Calliah

"How's the business? Huwag kang mahihiyang magsabi kung kailangan mo ng tulong ah I'm willing to help" Lianna

"Okay naman po yung business stable naman po yung kita at namamanage ko naman po ng

maayos salamat po sa pagtuturo sakin ate Lianna"

"Wala yun, maliit na bagay. Tara kumain na tayo" aya niya sa kanila.

7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon