CHAPTER 18: Lunch with him

5 1 0
                                    


"Nakakainis naman yung teacher nayun hindi tayo pinapasok nung saturday tapos ngayon magbibigay ng napakaraming gawain nakakaloka! Nagugutom tuloy ulit ako" reklamo ni Calliah habang sila'y naglalakad

"Lagi ka naman talagang gutom Cali" natatawang sabi ni Elara

"Katatapos lang natin mag lunch gutom ka nanaman, wala ng bago dun Calliah hahahaha" Zia

Nang makarating sila sa kanilang locker ay napansin nila ang apat na tulips at note sa locker ni Elara "Ay oh ano yan El" sabi ni Zia habang naka silip sa loob ng locker ni Elara "Apat na tulips with notes, naks mukhang hindi pa rin tumigil magbigay kahit alam niyang dimo matatanggap sa mga nakaraang araw na nagdaan ah" pagbibiro ni Zia

"Infairness sa tulips ah hindi pa siya lanta, fresh pa rin na parang kabibili lang kaninang umaga. Saan kaya nabibili 'tong ganitong bulaklak?" Calliah

"Bakit may pagbibigyan ka ba?" tanong Zia

"Oo sarili ko, self love you know" natatawang sagot sagot ni Calliah

"I used to chase butterflies as a kid, never thought you'd give me them for free" -H

"I wonder why astronauts need to go to space just to see the world 'cause I can see mine by just looking at you" -H

"Upin & Ipin should be together, but without pin" -H

"They say disneyland is the happiest place on earth, clearly they haven't been in your arms" -H

Napangiti si Elara ng mabasa niya ang mga notes, inipit niya ang mga ito sa kanyang libro habang ang mga tulips naman ay inilagay niya sa kanyang bag "Ahh girls sa library na muna ako ah kita na lang tayo sa next class" ngumiti ito bago umalis

"Sige ingat. Sa cafeteria muna ako ikaw ba Zia?"

"Boy hunting muna ako sa court haha" sagot ni Zia

"Nakuu lolokohin ka lang ng mga yan"

"Bitter mo naman, bye na nga muna"


"Sana mabasa mo 'to" nakangiting sabi ni Tiago at inilagay ang librong pinirint niya para kay Elara sa shelf ng library. Maya maya ay pumasok si Elara sa library kaya agad siyang nagtago at palihim na tinitignan si Elara

Samantala, dumeretso si Elara sa isa sa mga shelves para maghanap ng libro, hanggang sa mapunta siya sa pinag lagyan ni Tiago ng libro. Napukaw ang pansin niya sa pamagat ng libro "For Elara's eyes only" wika niya ng basahin ang pamagat ng libro "Nakaka curious naman. Okay lang kaya kung babasahin ko 'to? Kapangalan ko naman e... Bahala na" binuklat niya ang libro at sinimulang basahin habang nakasandal sa shelf. Para itong comic book dahil may mga picture ang bawat pangyayari, animated. Mga interaksyon ni Tiago at Elara hanggang sa kasalukuyan.

Hindi na nagdalawang isip si Tiago at lumapit na kay Elara "Do you like it?" tanong niya

"Ay palaka!" gulat na sabi ni Elara na napahawak pa sa kanyang dibdib "Tiago ikaw pala... Hmm yep maganda" sagot niya at napatingin pa sa libro "Gawa mo?"

"O-OO" nahihiya niyang sagot

"Wow ang ganda" ngumiti siya "Pero bakit blangko yung dulong page? Anong sagot ni girl sa confession ni boy?" curious na tanong ni Elara

"Hindi ko pa alam e, hindi ko pa siya natatanong tungkol doon. Ano kaya sa tingin mo ang isasagot niya?"

"Hmm hindi ko rin alam, pero malalaman mo yun kung tatanungin mo siya. Sino ba si girl sa story mo?"

"I-Ikaw" kinakabahang sagot ni Tiago

"Ako?" tanong niya. Marahan namang tumango si Tiago bilang sagot. Hindi alam ni Elara kung ano ba dapat ang kanyang sasabihin "Ahm... I think she will say this to him "I really appreciate that you like me, and I'm sorry cause I don't feel the same way as you do""

7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon