CHAPTER 25: His trauma

9 1 0
                                    



"Sweetie aalis ka rin?" tanong ni Mrs Sandoval ng makita si Elara na paalis

"Opo, diyan lang po ako sa may park" sagot ni Elara

"Mag-iingat ka"

Hindi na sumagot si Elara at nagtungo na sa park. Doon niya naisipang mag-aral dahil payapa ang lugar at maganda ang mga tanawin


"Haayys ano bayan kahit linggo kailangan maglinis kainis!" reklamo ni Nicolai habang nagmamaneho patungo sa Maharlika University. Napansin niya si Elara na nag-aaral sa park kaya naman inihinto niya sa gilid ang kanyang sasakyan saka ito tinitigan pansamantala "Kahit linggo nag-aaral pa rin siya. Wala ba siyang ibang pwedeng gawin? Wala ba siyang ibang hobby? Sports? O kahit ano bukod sa pagbabasa ng mga librong hindi ko naman naiintindihan? Hindi ba siya mahilig mag games sa cell- argh oo nga pala yung cellphone niya bukas ko pa makukuha"



Kinabukasan

"Salamat Tiago ah hindi ko kasi talaga alam kung paano 'to gawin e" Elara

"Don't worry El madali lang naman yan, ano bang username mo?"

"Ahm Elara_Sandoval"

"Okay got it. Papalitan ba natin yung password mo o gusto mo lang malaman yung password mo?"

"Ahh, malaman na lang yung password ko"

"mybeautifulgirlfriendelara"

"Ha?" nagtatakang tanong ni Elara

"That's your password "mybeautifulgirlfriendelara" ikaw ba nag set niyan?"

"No, si Hezron"

"Go on, try mo ng buksan walang space puro small letters"

"Okay" tinry ni Elara na maglog in sa kanyang instagram account. Napayakap siya kay Tiago dahil sa tuwa ng muli niyang mabuksan ang kanyang account "Thank you"

"Walang anuman, what are friends for diba?" nakangiti niyang sabi "Kung may kailangan ka pa tungkol sa mga ganitong bagay sabihan mo lang ako"

Samantala pagpasok ni Nicolai sa kanilang classroom ay nakita niya si Tiago at Elara na nag uusap kaya nilapitan niya sila para kausapin si Elara "Sandoval can we-"

"Sige Tiago mauna na ako ah, salamat ulit" ngumiti siya bago umalis at nag punta sa kanilang classroom

"San ka galing?" tanong ni Zia ng makapasok si Elara sa kanilang classroom

"Nagpatulong ako kay Tiago, nakapag log in na ako"

"Nice one, edi makakapag chat na ulit tayo niyan hahaha" Zia

"Okay ka na ba?" tanong ni Calliah

"Hmm? Oo naman Cali"

"Yung totoo?"

"Wala naman na akong magagawa e, at least ngayon na nabuksan ko na itong account ko kahit papaano may picture na ulit ako ni mommy at Hezron"

"Class listen may ia-announce ako" bungad ng kanilang Mr Flores ng makapasok sa kanilang classroom "The day after tomorrow may program na magaganap, dahil about business ang course niyo kailangan niyong umisip ng paraan para kumita ng pera. Pwede kayong magbenta ng pagkain, damit or whatever you want except alcoholic drinks and dangerous things, pwede rin kayong magtayo ng mga booth if you guys want basta kikita kayo ng pera. Lahat ng kikitain ninyo ay idodonate natin sa orphanage kaya seryosohin niyo ito para naman matulungan natin sila nagkakaintindihan ba tayo?"

7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon