CHAPTER 26: Jail booth or Marriage booth

13 1 0
                                    



"Calvin tara sa booth nila Xeven" aya ni Mazen

"Marami pa tayong ginagawa dito mamaya na" tanggi ni Calvin

"Sige na saglit lang tayo tapos babalik din promise, Calvin please" pangungulit ni Mazen

"Haays ang kulit mo. Cali aalis lang kami saglit pahawak muna 'to, salamat" ibinigay niya ang mga hawak niyang cookies kay Calliah

"Teka saan naman kayo pupunta?" usisa ni Calliah

"Secret!" sabi ni Mazen saka hinila si Calvin palabas ng kanilang classroom

"Ano bang gagawin natin dun?" tanong ni Calvin

"Ganito kasi yun, ipakukulong natin si El at Nico para magkaayos sila" excited niyang sabi

"Ha? Hindi ba parang-"

"Shhh trust me"

"Baliw ka" umiiling na sabi ni Calvin

"Xeven!" sabi ni Mazen ng makarating sila ng jail booth

"Rinig ko huwag kang sumigaw Maze, ano ba yun?" Xeven

"Paano ko mapapa kulong ang dalawang tao na gusto kong ikulong dito?" excited niyang tanong

"Kailangan mong magbayad ng dalawang ticket para sa isang tao na gusto mong makulong dito tapos ibibigay mo samin ang pangalan at litrato ng taong ipapakulong mo para makilala namin siya at maaresto" paliwanag niya

"Ayos haha... Calvin hindi na pala tayo mahihirapan mapa punta si Nico at El dito, sila ng bahala" humahagikgik niyang bulong kay Calvin

"Haha oo na" sagot niya kay Mazen "Ilang oras naman sila sa dito?" tanong ni Calvin

"Dipende kung may maglalabas sa kanya gamit ang isa pang ticket" Xeven

"Okayy!! Saan bibili ng ticket?"

"Kay Lyryc ayun oh" itinuro ni Xeven kung nasaan si Lyryc naka pwesto

"Sige wait lang ah babalik ako" nagpunta si Mazen kay Lyryc "Lyryc pabiling six tickets"

"No need to pay bro ako na" binigyan ni Lyryc si Mazen ng anim na tickets

"Naks! Hahaha"

"Thanks Maze" nakangiting sabi ni Lyryc

"No problem" kumindat pa siya bago bumalik kila Xeven "Hey I'm back" sabi niya saka inilapag sa table ang apat na tickets

"Sabi ko dalawa lang hindi apat bingi lang?" pang aasar ni Xeven

"Dalawa kasi ipapakulong ko!! Tsk"

"Hindi pwede, isa lang kada tao baka mapuno agad yung mga kulungan namin hindi kami pwedeng manghiram ng space sa ibang room"

"Okay fine, Calvin ikaw kay El" binigyan niya ng tatlong tickets si Calvin "Pang piyansa yung isa kaya itago mo ah" Mazen

Natawa naman si Calvin "Si Elara ipapakulong ko" inabot niya ang dalawang tickets kay Xeven

"As in si Elara na kilala natin?" tanong ni Xeven

"Mm" tumango si Calvin "Hindi naman na siguro kailangan ng picture no? Paki ingatan na lang ang pagkuha sa kanya ah baka mafriendship over kami dahil sa kalokohan nitong si Maze haha"

"Yes sir, e sayo Maze sino?"

"Si Nico" nakangiting sagot ni Maze

"Sira ka ba?! Hindi pa okay yung dalawa tapos pagsasamahin mo?"

7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon