Tinulungan ni Nicolai na mahiga si Elara upang makapagpahinga na. Nang makatulog si Elara ay naisip ni Nicolai na punasan si Elara kaya nanguha siya ng isang maliit na planggana na may lamang maligamgam na tubig at towel. Dahan dahan niyang pinupunasan si Elara para hindi ito magising. Nang matapos siya ay iniligpit na niya ang mga gamit at hinugasan ang pinagkainan ni Elara.
Napansin ni Nicolai ang guitara na nasa sala kaya naman hiniram niya ito kay Mrs Sandoval "Tita pwede ko po bang hiramin ito?"
"Oo naman iho, kunin mo na" nakangiting sabi ni Mrs Sandoval
"Thank you po" kinuha na ni Nicolai ang guitara
"Kamusta naman si Elara? Napainom mo ba ng gamot?" tanong ni Mrs Sandoval
"Opo, medyo labag pa nga po sa loob niya e haha" Nicolai
"Naku haha, kung may kailangan kayo sabihan mo lang ako" Mrs Sandoval
"Opo, ah sige Tita akyat na po ako" paalam ni Nicolai
"Sige iho" Mrs Sandoval
Nagpunta na ulit si Nicolai sa kwarto ni Elara dala ang guitara na hiniram niya. Dahil tulog pa si Elara ay hindi niya rin ito magamit. Wala siyang magawa kaya naisipan niyang mag iwan ng sulat para kay Elara. Nagtungo siya sa study table at naupo doon, kumuha rin siya ng papel at ballpen pagkatapos ay nagsimula nang sumulat. Nang matapos na siyang sumulat ay naisip niyang itago ito sa may drawer ng mesa, pagbukas niya ay napansin niya ang lumang cellphone ni Elara. Dahil sa curiosity ay binuksan niya ito, bumungad sa kanya ang wallpaper na magkasama sina Elara at Hezron habang masayang nakangiti. Hindi na niya ito pinansin pa, binalik na niya sa drawer ang cellphone kasama ang sulat niya. Muling lumapit si Nicolai sa tabi ni Elara, habang tinititigan ito bigla namang may notifications na tumunog sa cellphone ni Elara, nag message si Calliah "Eeelllll". Nagtaka siya sa message ni Calliah pero nakaramdam rin siya ng kaunting kirot dahil hindi sila ang wallpaper ni Elara kundi dalawang kamay na magkahawak, hinala niya ay kamay ito ng isang babae at lalaki at iniisip niya na sina Elara at Hezron ito.
Sa kabilang banda, nagising na si Elara at nakitang nakatingin si Nicolai sa cellphone niya "What's wrong? Gusto mo bang gamitin?" tanong ni Elara
Agad na napatingin si Nicolai kay Elara "Gising ka na pala Mahal"
"Bakit ka nakatitig sa phone ko? May nagchat ba?"
"Meron, si Cali"
"Si Cali? Bakit daw?"
Nagkibit balikat si Nicolai "Ewan sabi lang naman "Eeelllll" tapos hindi na nasundan"
Ngumiti si Elara "Baka may chicka yun, bukas na lang siguro"
"Papasok ka na agad bukas?" tanong ni Nicolai
"Mm" tumango si Elara "Medyo okay naman na ang pakiramdam ko, salamat sa pag-aalaga Jaze"
"Walang anuman Mahal ko" ngumiti si Nicolai "Huwag ka munang pumasok bukas magpahinga ka muna, practice lang naman yun kaya okay lang na hindi umattend"
"Pero gusto kong umattend"
"Hayss ang kulit"
Napansin ni Elara yung guitara "Bakit may guitara?"
"Ahh ito? Nakita ko sa baba, balak ko sanang tumugtog kaso pagdating ko rito tulog ka nga pala" sagot ni Nicolai
"Gising na ako pwede ka ng tumugtog, with matching kanta yan ah" nakangiting sabi ni Elara
Kumatok ng dalawang beses si Mrs Sandoval bago pumasok sa kwarto ni Elara "Mga anak dinalhan ko na kayo ng lunch" sabi niya pagpasok niya ng kwarto bitbit ang pagkaing dala niya sa bed table
BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
RomancePitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...