CHAPTER 49: Second name basis

9 1 0
                                    


Kinabukasan, maagang gumising si Elara dahil balak niyang puntahan muna si Nicolai sa bahay nila bago pumasok sa paaralan

"Ang aga mo yatang nagising? Halika sabayan mo na akong kumain" aya ni Mr Sandoval ng makita si Elara

Yumakap si Elara kay Mr Sandoval dahil na miss niya ito at bihira na lang silang magkita sa kanilang tahanan "Na miss po kita, bihira na lang po tayong magkita nitong mga nakaraang araw, sobrang busy mo na po" sabi niya habang nakayakap

Niyakap rin ni Mr Sandoval si Elara "I'm sorry anak, babawi si daddy sayo"

"Good morning sweetie, gusto mo bang mag breakfast ngayon? Ipaghahanda kita" nakangiting bati ni Mrs Sandoval

"Hindi na po, salamat" sagot ni Elara "Ah daddy pwede po bang mahiram yung isang kotse mo?" tanong niya

"Hindi pwede anak, wala ka pang license" sagot ni Mr Sandoval

"Kapag meron na po ba, pwede na?" muling tanong ni Elara

"Anak, kukuhanan na lang ulit kita ng driver mo" Mr Sandoval

"Pero daddy kaya ko naman pong mag drive, isa pa may license na po ako" nakangiting sabi ni Elara

"May license ka na? Bakit hindi ko alam yan? Bakit hindi ka nag sabi?" sunod sunod na tanong ni Mr Sandoval

"Busy po kasi kayo kaya hindi ko nasabi." sagot ni Elara

"Elara Iris, gumagawa ka ng desisyon ng hindi ko alam." seryosong sabi ni Mr Sandoval

"Nasa legal age naman na po ako, kaya ko ng mag decide para sa sarili ko" depensa ni Elara

"Kahit na! Dapat nagpaalam ka pa rin" Mr Sandoval

"Sorry po" nakayukong sabi ni Elara. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa pagitan nila bago muling nagsalita si Elara "Pwede ko na po bang hiramin?" nag aalangan na tanong niya

"Hindi pwede." matigas na sagot ni Mr Sandoval

"Honey" pagpapakalma ni Mrs Sandoval

Huminga ng malalim si Elara dahil alam niyang hindi na magbabago ang isip ni Mr Sandoval "Okay po. Pero daddy hindi ko na po kailangan ng driver, kaya ko na pong mag commute" paliwanag niya "Mauna na po ako"

"Mag iingat ka sweetie" Mrs Sandoval.

Ngumiti si Elara bilang sagot, at nang hindi na nagsalita si Mr Sandoval ay lumabas na siya

"Bakit mo naman pinagalitan? Minsan na nga lang kayong magkita inaway mo pa" mahinahong sabi ni Mrs Sandoval

"Kailan pa siya nagkaroon ng license? Alam mo ba 'to?" seryosong tanong ni Mr Sandoval

"Hindi na importante yun, hayaan mo siyang gawin kung ano ang gusto niya"

"Hindi mo naiintindihan, ayokong matulad siya sa mommy niya"

"Naiintindihan ko, namatay ang mommy niya sa car accident. Honey aksidente yung nangyari huwag kang pangunahan ng takot mo. Saka mukha namang maingat si Elara, wala ka bang tiwala sa anak mo?"

"May tiwala ako sa kanya, maaaring maingat nga siya pero yung iba na gumagamit ng kalsada hindi" paliwanag ni Mr Sandoval "Yung nangyari sa mommy niya hindi lang basta aksidente yun, may pumutol ng preno ng sasakyan ko kaya kami nabangga. Gusto nila akong patayin, gusto akong patayin ng mga kalaban ko sa negosyo" pag amin niya

"What? Bakit ngayon mo lang sinabi 'to? Alam ba niya?" nag aalala na tanong ni Mrs Sandoval

Huminga ng malalim si Mr Sandoval "Hindi yun alam ni Elara dahil ayokong sisihin niya ako sa pagkamatay ng mommy niya, ang tanging alam niya naaksidente kami... Pinakulong ko na rin naman na yung may gawa non kaya hindi na niya kailangang malaman. Ayokong mabuhay siya sa takot. Ayokong mawala sakin yung anak ko. Pinoprotektahan ko lang siya"

7 Troublemakers In love With The same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon