Dalawang araw na simula ng nasira ang cellphone ni Elara. Patagong kinuha ni Nicolai ang sirang Cellphone sa bag ni Elara ng hindi namamalayan saka pinaayos upang makabawi naman sa kanya. Hindi siya makalapit kay Elara dahil palaging nakabantay ang mga kaibigan nito. Habang naglilinis sa hallway nakita niya na mag-isang naglalakad si Elara kaya naman naglakas loob siyang lapitan ito.
"Sandoval"
Huminga muna ng malalim si Elara bago sumagot "Please lang lumayo ka muna" sabi niya habang naglalakad
"Ahm s-sorry sa nagawa ko, hindi ko alam na ganun pala ka importante sayo yun, hindi ko ri-"
"Calvero pwede ba? Kahit ngayon lang... Layuan mo muna ako" seryosong sabi niya
"Sandoval maniwala ka hindi ko talaga ala-"
"Talagang hindi mo alam!!" huminto siya sa paglalakad saka humarap kay Nicolai "Dahil wala ka namang ibang alam gawin kundi ang mang-bully, mang-asar, mang-inis, at manakit ng damdamin ng ibang tao!"
"So tuloy tayo mamay..ya?" tanong ni Mazen bago mapahinto sa paglalakad kasama sina Rashmi at Calvin sa hallway ng makita at marinig ang usapan nila Elara at Nicolai
"Baka lang kasi nakakalimutan mo. Tao ako Calvero, nauubos din ang pasensya ko... Oo hinahayaan kitang asarin at inisin ako araw-araw kasi alam ko at umaasa akong kaya mong mag bago kaya sige lang, ibully mo ako hanggang gusto mo, itulak mo ako sa pool kahit hindi ako marunong lumangoy ayos lang!, lagyan mo ng kung ano ang inumin ko para magpabalik-balik ako sa CR ayos lang!, lagyan mo ng pandikit yung upuan ko Calvero ayos lang!, ibully mo ako hanggang magsawa ka!! Hahayaan naman kita e, pero sana hindi mo na dinamay yung phone ko... Nandun lahat, lahat ng ala-ala namin nandun yun pero sinira mo... Yun na lang yung pinaghuhugutan ko ng lakas Calvero... Doon ako kumukuha ng rason para patuloy na mabuhay" sunod sunod na tumulo ang kanyang mga luha pero agad din naman niyang pinunasan ang mga ito "Kaya kahit ilang araw lang... Ilang araw lang ang hinihingi ko, lubayan mo muna ako, pagpahingahin mo muna ako sa pang bubully mo"
Hindi na nagsalita si Nicolai at hinayaan ng umalis si Elara, naiwan siyang tulala sa mga sinabi nito. Kahit hindi niya talaga sinasadya ang nangyari siya pa rin ang may kasalanan kaya lalo lang siyang naguilty sa nagawa niya. Nang makalayo si Elara ay saka naman lumapit sina Rashmi, Calvin, at Mazen kay Nicolai
"Sumobra ka na kase bro" sabi ni Rashmi ng tapikin niya ang balikat ni Nicolai
"Hayaan mo muna maybe she needs space" Mazen
"Laban lang couz" sabi ni Calvin bago sila umalis dahil may klase pa sila. Habang si Nicolai naman ay ipinagpatuloy ang paglilinis sa hallway at mga bintana nito
Muling nagsama-sama ang 7T sa condo ni Tiago ng bandang ala-sais ng gabi upang pag-usapan at linawin ang mga problema nila. "Bakit ba kasi si El bro?" tanong ni Xeven
"Oo nga naman Nico, bakit nga ba si Elara e ang bait bait naman niya satin? Tsaka kaibigan natin siya e" Mazen
"I'm sure hindi lang 'to tungkol sa pagtawag niya sayo sa apelyido mo" Rashmi
"Sagutin mo Nico? Bakit si Elara? Dahil ba gusto mong maghiganti sa akin?" walang emosyon lang na nakatitig si Nicolai kay Lyryc "Ano bang nagawa ko sayo? Ano yung sinasabi mong ginawa ko sa pinsan mo at responsibilidad na tinakasan ko? Gusto ko ng ayusin 'to Nico, pero kung hindi mo pa rin sasabihin paano ko maa-"
"Nakalimutan mo na? Alisha, Alisha Arevalo. Calvin and I cousin" seryosong sabi ni Nicolai
"Pinsan niyo si Ali?"
BINABASA MO ANG
7 Troublemakers In love With The same Girl
RomancePitong naggwagwapuhang lalaki na siyang laging pasimuno sa mga kalokohan ang maiinlove sa iisang babae na hindi pa tapos magmahal sa kanyang namayapang kasintahan. Isa sa kanila ang lubos na magmamahal sa babae at gagawin ang lahat mahalin lang siy...