Kabanata 2

11 0 0
                                    

At nagsidatingan na ang mga traydor...

Nanlilisik na ang mata ko nang madatnan ko pababa palang ang mga tao na traydor sa aming kompanya, hindi ko alam kung bakit hindi ito nakikita ni Daddy, pero kami ni Mommy ay kitang-kita namin.

Bumaba na kami at agad-agad kong natagpuan si Lolo kaya lumapit ako dito at binigyan siya ng yakap, samantalang ang aking Mamita ay inirapan lang ako.

Mag-ina nga kayo...

Bumugtong nalang ako ng hininga dahil alam ko naman na wala akong magagawa.

"Hayaan mo nalang ang malditang 'yan" rinig kong sinabi ni Lolo sa akin, and i chuckled.

"Na-miss ko po kayo" ngiting bati ko dito.

"Eh pa'no? 'Di ka naman bumibisita sa bahay. tsk! tsk!" umiiling na tugon nito

"Busy nga po." pagrarason ko.

"Saan? Sa mga lalaking tumutuhog sa'yo?" natatawang anya niya.

Nagbaba nalang ako ng tingin dahil alam ko naman yun lang ang pinagkakaabalahan ko sa buhay kong ito. Nang makapagtapos ako sa Law school, unang-unang naging proud sa akin ang Don Lolo ko at Daddy ko, dahil alam ni Daddy na 'yun na talaga ang gusto kong kunin na kurso noon palang—pero dahil madaming epal sa buhay namin, gusto din akong ipag-take ng Business Management dahil responsibilidad ko daw yun bilang panganay.

Bilang panganay dapat...pinagbibigyan mo ang mga kapatid mo...

Ikaw ang panganay, dapat matuto kang maging responsable!

Panganay ka hindi ba? O bakit ganyan ang pag-uugali mo?! Be Mature for Pete sake Ariella!

'Yan ang mga boses na naririnig ko simula pa nagka-isip ako, dapat ganito, dapat ganyan. Wala na akong ginawa kundi sundin ang mga sinasabi nila. Nagagalit ako minsan dahil para bang pinanganak ako para lang idikta at ipagdiinan nilang ako ang panganay ako at dapat maging responsable ako.

King inang responsibilidad 'yan! Kakapagod ang hayop!

"Rielle, Kumusta ka na?" bigla akong nagulat nang may biglang sumulpot na babae sa gilid ko. Si Tita Rachel...

"Ah...okay lang po Tita" yinakap ko ito ng mahigpit.

"Mabuti naman, and'yan na ang mga bwitre ah?" natatawang anya nito.

"Oo nga, Asaan po si Rae?" biglang tanong ko.

"Padating na 'yun, Ayos na ba kayo?"

Umiling lang ako at tipid na ngumiti sa kanya.

"Kung ano man ang problema n'yo, sana maayos n'yo na" ngiti niya sa akin at umalis para puntahan ang akin ina.

Simula nang maangatan ko si Rae at akala niya inagaw ko ang boyfriend niya noon ay hindi niya na ako kinausap, Si Rae kase ang tipo ng mga estudyante na gusto siya lang ang mataas at kahit kaibigan niya pa ay dapat siya lang palagi.

Pero noong 4th year na sa Law school ako ang nakakuha ng Summa Cum Laude with a GWA of 1.00, galit na galit sa akin noon si Rae dahil ako ang nangunguna at sa rumors na nakipag talik ako sa boyfriend niya, abot suntok at sampalan ang naabot ng pamilya namin noon.

Malabo pa sa blurred ang pagkaka-ayos naming dalawa...pero patuloy parin akong umaasa.

"I'm here!" bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang maarteng boses na iyon.

The Heiress of the EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon