Ilang araw ang lumipas pagkatapos ng event ay nagpatuloy ang trabaho ko sa kompanya pero hindi ko na ulit nakita si Leo, hindi ko alam kung 'yon ba ang ibig niyang sabihin bago niya ako iwan no'ng gabi o baka may inaasikaso siya mula sa ibang lugar.
"Oh my gosh! I still can't believe, you both lied to me!" nandito kami sa condo ni Aerlene at nandito siya para bulyawan kami dahil sa pagsisinungaling namin about sa event no'ng nakaraan.
Tawang-tawa naman kami dahil napaniwala namin siya tungkol sa bagay na 'yon.
Para siyang tanga...
"Masyado ka kasing uto-uto, Hahahahaha" Tawa ni Margaux.
Habang sila ay nag-aasaran ay nakatulala lang ako sa kawalan na parang hindi sila naririnig.
Ngunit hindi naglaon ay nawala rin 'yon nang mapansin kong natahimik sila siguro ay napansin din nila na kanina pa akong walang imik.
"Hoy teh! Ba't ang lalim naman ng iniisip mo d'yan?" kunot na noong tanong ni Aerl sa akin.
"H-Ha?" tanong ko.
Hatdog...
"Hatdog!" pambabara nito.
sabi ko na eh...
"What's wrong with you? you've been always out of the world these days?" Tanong ng aking pinsan.
"Wala, madami lang ginagawa sa office" tipid kong tugon.
"Sus. Kulang ka lang sa dilig eh!" paepal ni Aerlene.
Napakunot naman ang noo ko at napairap sa kawalan. Pero may tama naman siya sa sinabi niya, sa buhay ko na nabubuhay nito ilang linggo akong 'di nagpunta sa Tagpuan upang makahanap ng lalaking matutulugan.
"Look, I know you're stressed dahil hindi mo nakuha 'yung project na dapat sayo. But shouldn't we be grateful na may handang tumulong sa kanila?" sambit ni Margaux.
Naiintindihan ko naman si Margaux dahil naisip ko na 'yon last week pa, pero hindi naman talaga 'yun ang nasa isip ko.
"Yeah! She's right, as long as someone who's ready to help, we should be grateful besides kasapi siya ng organisasyon." sambit pa ni Aerlene.
Napatango na lang ako kasi may mga punto naman sila, siguro nga ay dapat ako matuwa, ngunit ang pinagtataka ko ay paanong basta-basta nalang silang nagpapapasok ng mga banyaga sa emperyo, kahit sabihin pa natin na Pilipino ang naroon ay hindi parin mawawala ang may pagkahalong banyaga nila.
"Hello Sister" saka nalang kami napaigtad nang may marinig kaming nagsalita sa likuran namin at iyon ang aking nakakabwiset na kapatid.
Lahat kami ay napakunot kung ano ang ginagawa niya rito. "Oh ba't nandito ka?" tanong ko nang may pagmamataray.
"Uhm- well" pakagat labi niya at biglang tumingin kay Aerlene.
Napakunot ako at tinignan si Aerlene na siya namang biglang umiwas ng tingin.
May something...
"Psh! Kayo ah may hindi kayo sinasabi sa amin" tudyo ni Margarita.
Tumayo ako at humarap sa kanila, pareho ko silang pinanliitan ng mata habang sila naman ay umiiwas sa kaba na para bang may nagawa silang masama.
"What's happening here? Saka bakit ka may access sa condo ni Aerlene??"tanong ko. Napakagat-labi si Aerlene at biglang nagbuga ng malalim na hinga.
BINABASA MO ANG
The Heiress of the Empire
RomanceMariano's Family has been in the industry since the 1980's and has been part of the Secret Society of the Philippines. Pamilya nila ang isa sa mga pinaka makapangyarihang pamilya sa buong Pilipinas, halos buong negosyo sa bansa ay hawak nila, mula s...