"Rielle?" Narinig ko ang matinis na boses na iyon, kinabahan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko.
Lumingon ako mula sa boses na iyon at si Zaugustus lang pala iyon kaya napanatag ang aking kalooban.
Kumunot naman ang noo ko and tinignan siya ng mariin.
"Ano ka ba?! Alam mo bang nakakagulat ka ha? Ano ba'ng ginagawa mo rito?" inis na bulong ko rito.
Natawa siya at bahagyang lumapit sa akin.
"I was about to gatecrash the party, pero natapos na pala. Tsk! Anyways, since you're alone and I'm alone...Maybe we can" ngumisi siya at saka pinag-angat ang dalawa nitong kilay na parang manyakis na ewan.
Napairap ako at inis na ngumisi rito. "Eh kung pasabugin ko 'yang ulo mo?" ungot ko.
"Pwede naman, kung yung ulo ko naman sa-" bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay umakma na akong aatakihin siya ngunit kinulong niya ako sa bisig niya.
Punyeta!
"Bitawan mo 'ko!" sambit ko habang kumakalas sa matutumbok niyang muscle.
"Kiss ko muna?" pang-aasar niya at panakaw na halik sa aking pisngi.
Nagtiim ang bagang ko at siniko ang tiyan n'ya dahilan para mapaatras siya at makawala ako mula sa pagkakakulong sa braso niya.
"Fuck! Baby, You're still wild just like before" ngisi niya sa akin.
Nailang ako na bahagya, 'di katulad no'n ay mas kinikilig pa ako na parang bulate'ng inasinan.
"Gago. Ano ba kailangan mo ha? Nakasinghot ka na naman ba ng katol?"
"Andito ako kasi I have a surprise." ngisi niya sa akin muli.
Napa-angat naman ako ng aking kilay na tila interesado sa kanyang sinabi.
"I found out that may babae pala si Leo, kaya nakipag-break si Rae sa mga kanya." biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
"You have a reason to punch him, Rielle, he hurt your beloved cousin." sambit nito.Napalunok ako ng aking lalamunan kaya.
I hurt her too...
"K-Kilala na ba 'yung babae?" tanong ko rito.
"Nope, but I'll let you know" kindat niya sa akin.
Dakilang marites...
Tango nalang ang tugon ko at tinalikuran na siya pero dahil makulit siyang nilalang ay bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Can I sleep in your room? Full na raw ang mga kwarto eh" nakangiti siyang parang bata.
"Ba't kase pumunta punta ka pa dito?!" inis na sabi ko rito.
"Para nga sabihin sayo 'yung chismis! Ineexpect ko nga susugurin mo 'yung lalaking 'yun tapos makikita ko ng mismong mukha ko! Tas kalmado ka lang? Tss!" irap niyang parang babae
Ay wow.
"Gabing-gabi na susugurin ko pa? Baliw ka ba?!" anas ko rito.
"Oy! Kilala kita! Wala kang pinapalipas basta tungkol sa pamilya mo!" duro niya sakin.
"Matulog ka na nga lang! Dami mo pang sinasabi!" Hinila ko ang kayang pulsohan at pinasok sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
The Heiress of the Empire
RomanceMariano's Family has been in the industry since the 1980's and has been part of the Secret Society of the Philippines. Pamilya nila ang isa sa mga pinaka makapangyarihang pamilya sa buong Pilipinas, halos buong negosyo sa bansa ay hawak nila, mula s...