Kabanata 11

10 0 0
                                    


We started the trip and we really are impressed by the beauty of the hacienda. Hindi ganito kaganda ang hacienda no'ng huli kong punta rito dahil siguro ay nagsisimula palang gawin ito. Maraming nabago, mula sa kulay ng mga dami hanggang sa dami ng mga puno't at iba't iba pang magagandang halaman ang makikita rito. It was beautiful because I really see the diversity of its place. Ang daan namin ay may mga puno sa gilid at nakakakita ako ng iba't ibang klase ng mga pugad ng ibon. 

Sa dulo naman sa kanan ay puno parin ng mga naglalakihang mga puno, habang sa kaliwa naman namin ay makikita ang iba't ibang pananim sa farm. 

Mga ilang layo pa ay narating na namin ang bahay sa hacienda, panay parin ang picture namin dahil sa ganda at pagkaluma ng mga istilo nito. This was new to me because the last time I see this is still under the construction. Madaming mga furnitures na gawa sa puno at ang iba ay maraming halaman sa bawat gilid. 

"Oh, narito na pala kayo" salubong sa amin ni Nana Belinda.

"Nana!!" rinig naming hiyaw ni Aerlene at tumatakbong yinakap si Nana Belinda. 

"Ay jusko po, ang laki mo na Aerlene, di ko na kaya ang bigat mo" sabi ni Nana habang nahihirapan ito sa higpit ng yakap ni Aerlene. Kumalas naman si Aerlene nang marinig iyon.

"Hi Nana" bati ni Margo at binesohan ito. 

Ang buong pamilya namin ay kilala na si Nana, maging si Aerlene dahil tuwing may play-date kami noon ay si Nana Belinda ang nag-aalaga sa amin. 

"Mabuti naman at andito na kayo, kanina pa kayo hinihintay" sabi ni Nana. 

Nagtaka naman kami kung sino ang naghihintay sa amin, dahil ang alam ko ay kami-kami lang ang narito sa bahay dahil may mga trabaho ang mga trabahante dito. Hindi rin naman pwedeng mga magulang ko dahil busy ang mga iyon...Sino naman kaya 'yun? Artista?? 

Sinundan namin si Nana papunta sa hapag-kainan at hindi namin inaasahan ang mga naka-upo do'n. Ang mga Apo...

Nasa hapag-kainan, naka-upo at tila sila'y nagkwe-kwentuhan pero nang pumasok kami ay biglang sumeryoso ang kanilang mga mukha na para bang may galit sila sa akin, bakas sa kanilang emosyon ang kapangyarihang taglay nila. 

"Eredera, ano pa't umupo kayo ng iyong mga kasama" malalim na tagalog na anya ng isang Apo. Si Apo Gustavo. Siya ang pinakamasiyahin sa lahat ng mga Apo, taglay niya ang kapangyarihan ng kapayapaan. Sinusigurado niya na mapanatili ang kapayapaan sa Emperyo at walang kaguluhang magaganap. 

Tahimik kaming umupo sa upuan, na wiwirduhan parin talaga kami sa mga Apo'ng ito dahil mga matatanda at mga istrikto ito...Ang mga biruan nila ay tanging sa kanila na lamang at hindi man lang sinasabi sa iba. Madadamot! Bawal maki-jamming! hmp!

"Ano po pala ang ginagawa n'yo dito?" nagtanong na agad ako dahil hindi naman sila pupunta dito nang walang dahilan maliban nalang kung nagugustuhan nila ang bahay namin kesa sa ibang mga kasapi ng Emperyo. Favoritism...

"Bakit, bawal ba kami dito sa bahay n'yo?" tanong ng isang matanda, tila namimilosopo pero andun parin sa kanya ang tinig ng isang kapangyarihan. What if ipalapa ko to sa mga kabayo? Charot!

Biglang umasim ang mukha ko dahil sa sagot ng matanda, pero hindi ko 'yun pinahalata dahil malaki ang respeto nila dito sa mga taong ito. 

"Hindi naman siguro kayo papasok ng walang paalam dito kung bawal hindi po ba?" Sarkastikong tugon ko dito na ikina-kunot ng ulo nila at ang mga kasama niya.

"Ah...Eredera, narito kami dahil may nabalitaan kaming may isang traydor ang nakapasok sa buhay pamilya n'yo" sabi ng Apo Tanyag at biglang tumingin kay Leo na tahimik na umiinom ng alak. 

The Heiress of the EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon