Arthuro's POV
Alam ko simula no'ng pinanganak na ako ay ako ang maghahawak sa kapangyarihan ng aking ama. Malupit at ganid ito bagay na hindi ko kayang gawin kung balang araw ako man ay maghahawak ng ganitong kalaking kapangyarihan.
Simula nang mamatay ang aking ina, sa akin na binigay ang galit niya. Simula pagka bata ko wala na akong inintindi kundi puro utos at sigaw niya, mabuti nalang andito ni Tita Nana, kapatid ni Papà. Siya ang tumayong nanay ko simula na tumungtong ako na 10 anyos.
Napakabait at maalaga ito siguro dahil siya ay matadang dalaga, sa kanya na kasi ibinigay ang mga trabahuhin sa kompanya. Sa aming pamilya, kailangan ay mabuti ka sa lahat ng ginagawa mo at hindi palpak kundi sapak ang aabutin mo sa matigas at mabigat na kamay ng nag-iisang Don Mariano.
Isang hipokrito at pakitang-tao pero kapag sarado na ang pinto puro sapok at sigaw ang maririnig mo. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi kailanman ako magiging katulad ng ama ko, magiging mabuti ako sa mga taong nakapaligid sa akin lalo na sa magiging anak ko.
"Ar'teng, ano't nariyan ka pa? Nag-hihintay ang iyong Papà upang ipakilala ka sa mga amigos niya" bungad sa akin ni Tita.
"Inaayos lamang po ang aking kasuotan, Para kapag nakita na ako ng mapapangasawa ko, pogi at pormal na pormal ako" pagbibiro ko.
Umiling naman siya, "Ay nako! Halika dito at maayos yang necktie mo" senyas niya sa akin.
Lumapit ako sa kanya at siya namang ayos sa aking necktie, pinagpag niya ang ameriknang suot ko.
"Ayan, Handa ka na bang malaman kung sino ang mapapangasawa mo?" tanong nito.
"Hinde pa ho, pero sana ay Rachel iyon" ngiti ko.
Sikreto kaming magkarelasyon ni Rachel Romualdez, sa kadahilanan na strikto ang aming pamilya at isa siyang anak sa labas ng kanyang Papà. Nang mamatay si Don Martin ay ang tunay na asawa na ang kumupkop dito, kadumal-dumal ang sinapit niya sa kamay ni Doña Morgana pero kahit ano man 'yon ay nariyan si Stella ang pangatlo sa kanilang apat na naging kapatid niya na.
Umiwas ng tingin si Tita pero nagpumilit siya ng ngiti. "Sana nga, Tara na" anya na.
Bumaba na kami, puno ng mga palamuti ang baba, kulay ginto at kahoy ang mga palamuti. Ang mga bisita ay nag gagandahan ang mga damit at mga alahas na kumikinang.
Nag-mukha tuloy club toh kaya lang mamahalin ang pagkakinang.
Nakatingin silang lahat sa akin, puno ng mga ngiti ang nasilayan ko pati narin ang babaeng pinakamamahal ko.
Ang gwapo ko nga hehehe.
Linapitan ko kaagad ang pamilya Romualdez na may ngiti sa kanilang labi.
"Napagka gwapo nga ng iyon unico ijo, Don Mariano" bungad ni Doña Morgana.
"Ano pa't ganyan talaga ang mga lahi namin, Morgana" payabang na tugon ng aking ama.
Pasimple ko tinignan si Rachel na nakaupo at tahimik lamang sa kaniyang upuan. napakaganda ng suot niya, isang burgundy off shoulder na kulay red. Tamang-tama sa kanyang kulay ang damit na iyon, kitang-kita ang ganda at mga alahas na suot niya.
"Arthuro! Halika na't umupo ka rito" anya sa akin ng aking ama.
Dali-Dali akong naka-upo sa hapag-kainan namin, lahat ng mga bisita ay naka-upo at masayang nagkwe-kwentuhan. Nasa tapat ko si Rachel na pasimpleng ngumiti sa akin, alam niya kase na hindi p'wede na ipakita namin ang nararamdaman namin sa isa't isa.
"Uupo ako, p'wede? No. Nevermind who am i right?" bungad naman ni Stella sa akin. Naka-kulay black na slip maxi dress siya.
Napansin ko na parang naiilang si Rachel sa aming dalawa. 'Di ko alam kung bakit iba sa pakiramdam ang mga ganap ngayon.
BINABASA MO ANG
The Heiress of the Empire
RomanceMariano's Family has been in the industry since the 1980's and has been part of the Secret Society of the Philippines. Pamilya nila ang isa sa mga pinaka makapangyarihang pamilya sa buong Pilipinas, halos buong negosyo sa bansa ay hawak nila, mula s...