Kabanata 19

8 0 0
                                    

Walang emosyon akong pumasok sa private room. Nakita kong lahat sila ay nakaupo, para silang mga hukom na sa anumang oras ay bibitayin ako, o hahatulan ng kaparusahan. Ayoko talaga sa presensya nila.

"Tinawagan kami ng iyong pinsan, gusto mo raw kaming makausap??'' tindig ni Apo Baba

"Opo. Apo tanyag, gusto ko pong malaman kung sino ang nakapasok na traydor sa buhay namin?" magalang kong tanong.

Tumikhim sandali ang Apo. "Ang tinutukoy ko ay ang tatay ng Wayne na iyon. Alam kong hindi naging parte sila ng kompanya n'yo pero nabatid naming nagmaman-man siya sa loob ng mga negosyo n'yo. Ang mga gumuhong building at ibang problema ng kompanya ay siya ang dahilan"

''Kaya't gusto namin ikaw balaan tungkol sa anak niya, lalo na't may ugnayan sila at ng pinsan mo nang hindi namin nalalaman at hindi man namin pinahintulutan ay hindi nalang namin ito pinansin dahil alam kong ipagtatanggol mo ang relasyon nila sa isa't isa." sabi naman ni Apo Florante.

Wala akong masagot. Totoo ang sinabi ng Apo dahil gagawin ko an lahat para lang sa pinsan ko, nakakaloko lang dahil kanina lang ay nagka-usap kami ni Leo tungkol sa relasyon nila, kung paano niya sinabi na mahal na mahal niya ang pinsan ko, kung paano kong sinabi sa isip ko na lalayo ako sa kanila kung kinakailangan.

''Hindi ko po alam kung ano'ng magagawa ko mga Apo" dismiyado kong tugon at napaupo nalang.

"Tinuruan ka namin sa lahat ng makakaya namin, pero mukhang nagkulang iyon. Alam kong may magagawa ka at gagawa ka pero sa ngayon gusto kong manmanan mo ang mga kilos ng anak niya ng patago, kung maari ay makipag-kaibigan ka sa kanya, paniwalain mo siyang nahulog ka sa patibong nila." adbiso ni Apo Sikim.

May pakinabang rin pala itong Traydor na ito! TSK!.

Pero dahil ayokong paniwalaan ang sinabi niya, ay sige sasakay ako sa kanyang adbiso dahil alam kong utak rin siya ng lahat ng nangyayari sa amin at alam iyon ng mga Apo...

"Tama ang iyong Apo Sikim, kailangan natin at ang pamilya mo ang mag-ingat." sabat ni Apo Gorio.

"Ngunit, ano talaga ang sadya mo at gusto mo kaming makausap? sadyang may iba pang bumabagabag sa iyo" tanong ni Apo Babâ

"Ang mga Sullivan." tila nagulat sila sa pangalan. "They're new to me, natandaan ko na sa lahat ng pangalan na inaral ko ay walang Sullivan na nakasulat sa aklat ng pamilyang marangya. Hindi ko alam na kailangan na palang magpapasok ng ibang pamilya nang hindi ko nalalaman." seryoso kong sambit.

"Hindi rin namin alam, sadyang inanunsyo nalang ng Apo Lakay na kasapi na sila." sabi ng Apo Tanyag.

Biglang nakunot ang noo ko, matalino ang Apó at hindi agad-agad nagdedesisyon, hindi ko alam na tumatanggap na pala kami ng mga pamilya mula sa ibang bansa. Tss.

"Pero mga taga Europa at America ang Pamilya nila, kasapi rin sila sa kabilang organisasyon, pati rin pala batas ay nababago na."

The Heiress of the EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon