Kinabukasan pagkatapos kong makita ang hindi dapat makita, hindi na rin ako nakakain no'n at sinabi ko nalang kay Nana na inaantok ako at bukas nalang ako kakain. Hindi parin talaga nagsi-sink in sa utak ko ang nakita ko no'n.
Nakakatakot...Nakakamatay...
But at the second thought, I think I already see those...huge pet? fuck! hindi ko alam kung bakit para akong isang birhen na first time na nakakita ng gano'ng kalaking alaga.
"Riella, kain na" rinig ko ang boses ni Nana mula sa pinto.
Nagtalukbong ako ng kumot, ngayon palang hindi ko na maisip na makita ko siya dahil paniguradong tutok lang ako sa...aish! don't think about it Ariella!
"Yes po Nana, susunod na po" walang gana kong tugon.
Tumayo ako mula sa pinagkahigaan ko at bumugtong ng hininga para lakasan ang aking sarili dahil paniguradong nando'n siya. Binuksan ko ang pinto at tumingin kung may tao ba sa paligid ko pero mukha namang wala kaya nakahinga ako ng maluwag dahil do'n.
Bumaba ako at nakita ko sila Nana na naghahanda sa lamesa ng pagkain na aming kakainin, amoy palang kumukulo na ang tiyan ko, inihaw na manok at porkchop? Yum!
"Oh and'yan kana pala, hali ka na dito at kumain" anya ni Nana Belinda kaya naman agad-agad akong umupo sa upuan at lawak ang aking ngiti dahil alam kong tataba na naman ako sa stay ko rito.
"Oh Leo, hali na't sumabay ka narin kay Ariella kumain" narinig ko ang boses na iyon bigla nalang ako napahinto sa pagkuha ng kanin. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan at dinig ko ang biglang pagtibok ng puso ko.
I saw in my peripheral view that he seated next to me in my left side, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkailang dahil doon. Nararamdaman ko palang ang presensya niya sa tabi ko hindi lang nag-iinit ang ulo ko pero buong katawan ko.
Napasinghap ako at iritadong hinarap siya, nakita kong naramdaman niya ang patingin ko dito kaya inosente niya akong tinignan, ngayon na tinignan niya ako saka ko palang napansin ang bawat parte at anggulo ng mukha nito. He has this amber eyes and his beard and mustache makes him more handsome.
Ang hugis ng mukha,ilong at matalim na mga mata nito ay kakaiba ang ginagawa sa sistema ko, hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pakiramdam ko, habang sinusuri ko ang kanyang mala-adonis na mukha ay nawawala ang pagka-inis ko.
Boyfriend ng pinsan mo 'yan! Gusto mong WW3?
"Am i good at bed in your thoughts?" bigla akong natauhan nang bigla kong narinig ang gwapong boses na iyon. Wait, WHAT DID HE SAY?!!
"A-Anong sabi mo" irritado kong tanong sa kanya.
He suddenly chuckles. "You're staring at me like I'm fucking you in your eyes"
May Gahd! Ang kapal ng apog ng lalaki neto! Salamat ka pogi ka!
"Ang kapal din ng mukha mo 'noh!" irritado kong ngiwi sa kaniya.
"Well, kanina ka pa kase tumitingin sa mukhako, who knows nakita mo nga ang kakapalan" sabi niya habang sumusubo ng kanin na may porkchop.
"Umalis ka nga dito!" asik ko na siyang kina-alerto ng mga tao sa loob ng mansyon.
"Riella, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Nana.
Suminghap ako ng hangin upang ikalma ko ang aking sarili at andito ang Nana Belinda ko.
"Nana, I'm loosing my appetite because of this man" inis na duro ko dito pero patuloy parin siya sa kain na parang wala lang ako dito sa tapat niya.
BINABASA MO ANG
The Heiress of the Empire
RomanceMariano's Family has been in the industry since the 1980's and has been part of the Secret Society of the Philippines. Pamilya nila ang isa sa mga pinaka makapangyarihang pamilya sa buong Pilipinas, halos buong negosyo sa bansa ay hawak nila, mula s...