Mira's POV
"Who the hell is she?"
"She looks familiar though"
"I don't know"
"I think i've seen her before"
"Nevermind, she's not important"
"Ganda"
"Ask for her name, go dude"
Napahinto ako sa paglalakad ng may biglang humarang na lalaki sa dadaanan ko.
"H-Hi p-po miss" Nakatingin siya sa baba habang nakawahak sa batok niya. Tinignan ko ang mga lalaki sa gilid ko na halata naman na mga kaibigan niya. Ang dami palang nakatingin sa akin lahat ng nasa hallway.
"Hello, how can i help you?" Nakangiting tanong ko sa kanya. His cheeks and ears turned red.
Bago pa man siya makasagot ay may napatingin ako sa narinig kong nagbabangayan mula sa pinanggalingan ko kanina.
"Baka lang naman gusto mo tumulong bubog"
"What!?"
"Bingi"
"Sasama sama ka tapos magrereklamo ka para magpatulong"
Wala talaga silang pinagbago at kahit saan talaga lagi silang magbabangayan dalawa. Nanatili lang ako sa pwesto ko dito din naman ang daan nila makikita nila ako.
Nasa likod nilang dalawa lahat ng members ng royal council except kay full package at aiden. San kaya nagpunta yung dalawang yon. Natatawa naman na nanonood sa kanila ang mga nasa likuran nila."Usapan sasamahan lang kita hindi ko sinabi na ako magbubuhat lang"
"Walang usapan cause pinilit mo lang sumama"
"Sana pala di na ko sumama sayo napaka ungrateful mo talaga bubog"
"If i ever hear you calling me that again i will put you on another dimension then i will kill you"
"Nye nye"
"Ano ba!? Bakit ba kayo nakaharang sa daan magsipaso-
Hindi na natuloy ni mark ang sasabihin niya ng makita nila ako.
"MIIIIRRRRAAAAAAAA"
Nagulat naman silang lahat ng makita nila ako sa naka crossed arm habang nakatingin sa kanila. Tatakbo si mark papunta sakin kaya lang naisip ko na pag tumakbo siya ay malalaglag mga dala niya. Nagpakawala ako ng pressure para mapahinto siya sa balak niyang pagtakbo kaya lang katangahan nanaman dahil hindi ko nalagyan ng limit.
Maximum power
Napatampal nalang ako sa mukha ko sa isip ko. Mira ang tanga talaga kahit kelan.
"Holy shit"
"W-what a tremendous power"
"That pressure level is on another level"
"Who is she!?"
"I think she's the new royal council member"
Hindi ko pinansin ang mga naririnig ko. Nakatulala sa akin sila mark pag tingin ko sa kanila. Binigyan ko nalang sila ng ngiti at naglakad na papunta sa kanila. Ako nalang pupunta dahil mukhang matatagalan pa sila bago maka recover.
"Tulungan na kita mark" kinuha ko ang dalawang bayong sa kaliwang kamay niya at nagsimula ng maglakad. Naramdaman ko naman na sumunod na sila sa akin.
Nakarating kami sa office ng walang nagsasalita sa kanila. Marahil ay gulat pa din sila sa nangyari. Luminga-linga ako sa paligid para tignan kung nandito si full package at aiden.
"Si aiden at red kausap ng board members about sa Goldberg Cup" Napatingin ako kay graelyn na nasa tabi ko na pala at nag aayos ng mga pinamili nila.
"2 months nalang kasi cup na kaya kailangan na nilang kausapin ang mga board members para sa training and budget" pagpapatuloy nito.
Oo nga pala malapit na ang pinaka aabanagan na goldberg cup. Mukha naman silang relax kasi defending champions sila samantalang ako first time ko sasabak doon kung isasali ako pero malamang kasali ako kasi member na ako ng royal council eh.
Napuno ng ingay ang paligid dahil kay mark at krystal na nagbabangayan nanaman. Si lawrence at jessica lumabas dahil pinatawag daw sila ng coach nila. Hindi ko pa nakikita yung coach nila pero mukhang magaling ito sa pagtuturo dahil nag champion sila full package eh. Umupo ako sa tabi ni graelyn at pinanood namin si mark at krystal na nag aaway natatawa kami sa kanilang dalawa. Nag uusap din kami at tinatanong nila ako tungkol sa training ko. Nagulat daw sila sa nilabas ko kaninang pressure halos malagutan daw sila ng hininga sa pressure at sa gulat. Natigil ang usapan namin ng may pumasok sa pinto.
Si full package.
Nagtama ang mga mata namin at nakita ko na nagulat din siya pero agad din napalitan ng poker face agad. Ang sungit talaga!
"You follow me to my office" Tinuro niya ako bago naglakad papunta sa office niya.
"Where's aiden?" Tanong ni min.
"Outside... talking to some girl" Sabi ni red bago pumasok sa office niya.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni graelyn na nakapatong sa hita niya. Hmm.
Tumayo ako sa inuupuan ko at sakto naman na pagpasok ni lawrence at jessica."Aiden is talking to beatrice" Pabulomg na sabi ni lawrence. Beatrice? Who's that?
"Again?" Nakataas na kilay na tanong ni graelyn. Tinignan ko naman siya. Ano naman kung may kausap na babae si aiden diba.
"Yeah, and they're laughing. That girl is being touchy too" Naiiling na sabi ni jessica. Mahinang bumuntong hininga si graelyn na nasa tabi ko.
"Oh right may sasabihin pala ako sa inyo! Nakalimutan ko lang kahapon pa sana" Sabi ni mark na tumigil na pala sa pakikipag bangayan kay krystal. Umupo siya sa tabi ni lawrence kaya nasa katapat na siya ni graelyn ngayon. Umupo din ako ulit. Chismis muna mamaya ko na kausapin sinfull package mas mahalaga ito.
"Narinig ko si beatrice noong papunta ako sa library kahapon sabi niya magcoconfess daw siya kay aiden ngayon since matagal naman na daw silang friends-
"What!?" Nagulat kaming lahat sa sigaw ni graelyn.
"Wait lang patapusin mo muna kasi ako graelyn naman!" Pagmamaktol ni mark. Tumango naman si graelyn kaya tinuloy na ni mark ang kwento niya.
"Ayon nga sabi pa nung friend ni beatrice yung carlyn ata yon bakit daw ang tagal eh nag kiss naman na daw sila noon-
Hindi nanaman natapos ni mark ang sinasabi dahil bigla nalang tumayo si graelyn at lumabas ng nagpupuyos sa galit.
"Tangina naman bakit hilig akong hindi patapusin!" Inis na sabi ni mark at tinakip sa mukha ang unan sa sofa.
"Tapusin mo nga" Utos ni clein.
"Nag kiss kasi sila pero aksidente lang noong bubulong sana si beatrice pero bigla naman lumingon si aiden" Hindi naman pala sadya eh.
"Aksidente lang naman pala" Tango-tango na saad ni lawrence.
"Bakit naman nag walk out si graelyn?" Tanong ko.
"Hindi din namin alam baka may pinuntahan?" Sabi ni clein.
"Oh shoot! Jessica! Min! Mira come with us too" Natatarantang sabi ni krystal at hinatak nalang agad ako.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko habang tumatakbo kasama sila min, jessica at krystal. Hawak pa din ako ni krystal. Lahat ng nadadaanan namin gumigilid.
"To calm someone impulsive" Maikling sagot ni krystal. Napansin ko na papunta pala kami sa likod ng school. Medyo mapuno doon kaya iilan lang ang tumatambay.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko na nakabulagta si aiden habang sinampal ni graelyn isa-isa ang apat na estudyante. Tinignan ko ang mga kasama ko pero napabuntong hininga nalang sila at iling. Tinignan ko ulit si graelyn at sinasabunutan na niya yung isa doon habang umaawat lang ang tatlo nitong kaibigan.
Punyeta welcome back mira!
YOU ARE READING
Kielldon Royal Fort Academy (School Of Magic) (ON HOLD)
FantasyMira Eliz Jane Croft is an ordinary girl. Trabaho dito trabaho doon. Isa lang ang pangarap niya ang makapasok sa Kielldon Royal Fort Academy the most prestigious school on their country at ang makatuluyan ang kanyang prince charming na si Red Bry Le...