Red's POV
"Hindi naman ganyan yan! You're being stupid again, get out!"
"Ikaw na nga tinutulungan ikaw pa galit"
"Hindi ko hinihingi tulong mo"
"Kaya pala 'can someone put this things back there'"
"Pwes hindi ka kasali doon"
They're bickering again. A never ending cycle these two really. Talagang sinasagad ang patience ko. My god please, can you just make my plea come true? Just one peaceful day just please.
Tumayo ako sa sofa na inuupuan ko at napatingin naman sila sakin. Tumigil na din sila sa pag aaway.
"You know what itapon niyo nalang lahat yan"-Cold na sabi ko sa kanila at naglakad na palabas ng office.
Hindi naman na sila nagsalita. Lumabas ako ng office at naglakad palabas ng building. Lahat ng makakasalubong ko bumabati sa akin at binibigyan ko lang sila ng isang nod. Hindi naman ako bastos para hindi sila i-acknowledge. Karamihan sa kanila takot sa akin at hindi ko naman sila masisise dahil kahit ako takot ako sa ability ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko pag dumating yung panahon na mag berserk ako at hindi ko ma-control ang ability ko.
Habang naglalakad ako sa ground ay napatingin ako sa picture ng mga Royal Elite Council na naka display malapit sa malapit sa announcement board. Malaki ito at may mga guard na naka-bantay dahil noong wala pang naka-bantay dito laging nawawala mga picture namin. Kaya pinalagyan ng guard.
Napahinto ako sa tapat nito at tumingin sa pinaka huling member. Mira Eliz Jane Croft.
Maybe i should visit her. It's been a few months since i last visit her or should i say they kidnapped me.
Naglakad na ako palabas ng kielldon at binati naman ako ng mga guard kaya tinanguan ko lang din sila at pinahanda ang sasakyan. Paglabas namin ay nakita kong madaming tao sa labas na hindi naman bago. Lagi naman madaming tao sa labas ng gate wala ba silang magawa sa buhay nila.
"Kuya rey sa building tayo ng Nine Gates of Hell"-Sabi ko sa driver na si kuya rey.
"Copy po sir red"-Sabi niya naman sakin at nagsimula ng mag drive.
Nakasilip lang ako sa labas. Tinted naman itong sasakyan. Laging tinted ang ginagamit namin para sa privacy ng mga students. Saglit lang ang byahe namin dahil malapit lang naman ang Building ng Nine Gates of Hell sa Kielldon.
Tinignan ng guard ang sasakyan namin ng huminto ito sa tapat binaba ko naman ang bintana ng sasakyan para makita nila ako. Nang makita ako ng isang guard ay sumenyas ito para buksan ang gate. Nag thank you naman ako sa kanila bago isarado ang bintana ko.
Kung hindi lang ako kilala dito hindi ako papapasukin ng mga guard dahil wala naman akong appointment. Dito din ako nag train like mira. Kaya alam ko kung anong pakiramdam at gaano kahirap ang pinapagawa nila sa kanya.
"Sir nandito na po tayo"
Napatingin ako kay kuya rey at naka-park na pala siya. Inabutan ko siya ng pera para pangkain niya at pang gas.
"Baka matagalan pa ako dito kuya rey balik ka muna sasabihan ko nalang yung mga guard mamaya pag susunduin mo na ako"-Sabi ko sa kanya.
"Sige po sir anong oras po?"-Tanong niya sakin.
Anong oras nga ba?
"Mga 5pm po kuya rey"-Sagot ko sa kanya at sumenyas siya ng okay bago umalis.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa kung nasaan si Mira. Alam ko dahil doon din ako nag stay dati. Doon sa kwarto niya ngayon, Ayun din ang naging kwarto ko dati.
YOU ARE READING
Kielldon Royal Fort Academy (School Of Magic) (ON HOLD)
FantasiMira Eliz Jane Croft is an ordinary girl. Trabaho dito trabaho doon. Isa lang ang pangarap niya ang makapasok sa Kielldon Royal Fort Academy the most prestigious school on their country at ang makatuluyan ang kanyang prince charming na si Red Bry Le...