5: Different

836 41 0
                                    

Mira's POV

"Lalala~lala~"

Sobrang saya ko ngayong araw, dahil first day ko sa bago kong trabaho hihihi. Hindi makapaniwala si mamang sa sinabi ko. Umalis na ako sa karinderyang pinagta trabahuhan ko pero sabi ni mamang welcome daw ako laging bumalik para magtrabaho doon. Si mamang kase ang kumupkop sakin simula nung namatay sila mama at papa.

"Mira! Goodmorning"

"Mira ang ganda mo ngayon"

"Mira good mood ha"

"Thank you!"-Sigaw ko sa kanila.

Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Biruin niyo magtatrabaho na ako sa Royal Council. Naiisip ko palang kinikilig na ako. Makakasama ko na lagi si Full Package (Red) tapos si Graelyn Gomez at ang iba pang miyembro ng Royal Council. Ahhh! Naiimagine ko nanaman siya.

*Mira's Imagination*

Nagwawalis ako ng biglang may yumakap sa likuran ko....

"Mira hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko sayo"-Sabi ni red sakin habang nakaback hug sakin.

"Red nagta trabaho ako mamaya na"-Sabi ko habang pilit tinatanggal ang kapit niya sakin.

"Mira isang kiss lang"-Sabi ni red sakin at hinarap ako sa kanya.

"*sigh* Sige na nga isa lang ah may ginagawa pa ako"-Sabi ko at pumikit.

Palapit na ng palapit ang mukha naming dalawa at.... At-

"What are you thinking?"

"You're in great mood today huh"

Nagising ako sa realidad. Daydreaming lang pala pero parang may nagsalita eh.

"Hopping is dangerous specially on this type of road"-May nagsalita sa gilid ko.

Napatingin ako sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko. N-Nakita ba nila yung facial expression ko?  Baka naman isipin nila baliw ako.

"Jessica, Mark!"-Sigaw kong sabi sa kanila. Natawa naman silang dalawa sakin.

"What are you thinking?"-Tanong sakin ni Mark.

"I think she's daydreaming"-Tanong naman ni Jessica. Patay

"I-It's not what you think! H-Hindi ko pinagpa pantasyahan si Red! N-Nag iisip lang ako! Oo tama nagiisip!"-Nauutal kong sabi. Sana di nila ko mahalata.

Napansin kong natawa sila sa sinabi ko. Nagblush naman ako. Ganito ba sila lagi? Parang ordinaryong teenagers lang na makakasalubong mo sa daan. Sobrang bait nila.

"Crush mo pala si Red hahaha"-Sabi ni Mark habang tumatawa. Napayuko naman ako dahil feeling ko sobrang pula na ng mukha ko.

"It's ok! No need to be shy about it"-Sabi ni Jessica at tinapik ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya.

"Well sino bang hindi magpapantasya kay Red?  Handsome, Powerful, Genius but"-Sabi ni Mark.

"Cold"-Dugtong ni Jessica at tumawa silang dalawa. Napangiti naman ako.

"It's ok to have a crush on him. Humahanga ka lang naman but since when?"-Tanong sakin ni Jessica. Nagulat naman ako sa tanong niya.

"We're just curious"-Sabi ni Mark.

"Matagal na simula nung napanood ko siya sa unang laban niyo sa tournament"-Sabi ko.

"So matagal na nga 4 years na pala"-Sabi ni Mark. Nahiya ako bigla.

"Uhm Maiba tayo Jessica, Mark anong ginagawa niyo dito? Ano yang dala niyo?"-Tanong ko sa kanila.

"Eto? Namalengke kasi kami out of stock na kasi hahaha"-Sabi ni Mark.

"Bakit kayo lang? I mean ang dami niyong dala"-Sabi ko sa kanila.

"Umalis kasi yung iba. Tatlo lang kaming naiwan then naisip naming mamalengke since wala ng stock ng pagkain"-Sabi ni Jessica.

"Tulungan ko na kayo"-Sabi ko sa kanila at kinuha ko yung isang bayong na hawak ni jessica. Ngumiti naman sila.

"Thank you"-Sabi ni Jessica.

"Hey wag kayong magagalit ah pero parang hindi kayo yung nakikita ko sa t.v pag lumalaban kayo sa tournament. Yung strong, fierce and no mercy type of aura niyo pagnapa panood ko kayo. Ibang iba para lang kayong ordinaryong teenager na makakasalubong mo sa daan"-Sabi ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan sila at ngumiti sakin.

"Pinapanood mo laban namin?"-Tanong ni Mark sakin na parang namamangha pa.

"Oo lahat ng taga Xelkros nanonood ng laban niyo! Dinadala niyo ang pangalan ng bansa natin kaya suportado kayo ng mga tao, Kung nakita niyo lang ang dami ng tao sa karinderya tuwing may laban kayo"-Sabi ko sa kanila.

"Lahat ng laban namin?"-Tanong niya sakin. Tumango ako.

"Lahat"-Sagot ko at natawa siya.

"Sa tournament yun ang aura namin pero ordinaryo lang din kami mira. Isa din kaming teenager ang pinagkaiba lang namin sa ibang teenagers kami nakilala dahil pinanglaban kami ng kielldon academy kaya siguro iba ang tingin mo samin pero katulad mo lang din kami"-Sabi ni Jessica at ngumiti silang dalawa.  Nag thumbs up si Mark sa akin.

Napangiti ako sa sinabi niya. Siguro nga tama siya. Ako lang siguro ang nagdo down sa sarili ko dahil sila nagaaral ako nagtatrabaho, Sila kilala ako hindi, Sila malakas ako hindi. Ako lang siguro ang nagiisip ng ganon dahil para sa kanila pare parehas lang kaming teenagers at para sa kanila pantay pantay lang ang lahat.

"Hey mira!"-Tawag sakin ni Mark. Napatingin naman ako sa kanya.

"Hmm?"

"Anong kapangyarihan mo?"-Tanong niya sakin.

"K-Kapangyarihan ko?"-Gulat na tanong ko.

"Yeah"-Sagot nilang dalawa. Naghihintay sila ng sagot ko.

Kapangyarihan ko?....  I don't know how to say this... I guess I'm different!

Kielldon Royal Fort Academy (School Of Magic) (ON HOLD)Where stories live. Discover now