16: Moving In

852 38 3
                                    

Mira's POV

6:18 am

Oh my god shocks! Male-late ako nito si mamang kasi ginigising niya daw ako eh wala naman akong matandaan na ginigising niya ako nakakainis!

"Be here at 7'oclock sharp in the morning tomorrow"

Naririnig ko yung boses ni full package nakakatakot.

"MIRAAA!"-Sigaw ni mamang sa baba. Nasa taas kasi yung kwarto namin.

"Po!?"-Sigaw ko pabalik sa kanya.

" Nandito na sundo mo bilisan mo mahiya ka naman unang araw mo sa kielldon late ka!"-Sigaw niya sakin.

"Eh kung ginising niyo po ako ng maaga edi sana hindi po ako late"-Bulong ko. Ayaw kong sabihin baka ituktuk sa akin yung tong nagluluto pa naman siya.

Nilagay ko nalang lahat sa lagayan na dala ko lahat ng damit hindi ko na naayos dahil nahihiya ako kila aiden at baka ma-late kami mapagalitan pa kami ni full package lahat madamay pa sila sa katangahan ko.

Bumaba na ako halos mahulog ako sa hagdan dahil sa sobrang bigat ng dala ko hindi ko alam na madami pala akong damit ngayon ko lang nakita yung iba yung iba naman ngayon ko nalang ulit nakita.

Pagbaba ko sinalubong ako ni mamang na nakapamewang habang hawag yung sanse   lumayo ako baka ituktuk sa akin.

"Ano? Anong oras na ngayon ka palang natapos? Bilisan mo baka ma-late kayo kumain ka muna papasukin mo sila para kumain din"-Sabi ni mamang sa akin.

"Opo mamang"-Sabi ko kanya. Kahit naman ganyan si mamang alam kong deep inside nagaalala at malungkot siya dahil aalis na ako. Nalulungkot din ako pero alam kong babalikan ko siya kahit anong mangyari dahil siya ang nagkupkop sa akin ng mamatay ang mga magulang siya na ang naging magulang ko.

Lumabas ako para tawagin sila Aiden pero ang bumungad sa akin ay si Red nasa tabi niya si Aiden at Krystal nakalagay ang dalawang kamay nito sa dibdib na mukang bored tumingin siya sa akin naka poker face pa din siya. Ang daming tao na nakatingin sa amin namamangha sila sa royal council dahil sa t.v lang nila ito nakikita. Parang hindi sila makapaniwala na nasa harap na nila ang mga ito.

"Let's go"-Sabi ni Red at tumalikod akmang papasok na sa sasakyan kaya pinigilan ko.

"S-Saglit red! Pasok daw kayo sabi ni mamang k-kain daw muna kayo"-Nauutal kong sabi sa kanya. Tumigil naman siya.

Nakakahiya ikaw ba naman kumausap sa taong matagal mo ng gusto na sa panaginip mo lang nakakausap ngayon nasa harapan mo na at totoong nakakausap mo na.

Mukang hindi siya papayag hindi pa ako nakakapagpaalam kay mamang nakakainis na nakakaiyak sana maintindihan niya.

"Tara!"-Aya ni Aiden kay krystal. Tumingin naman si Krystal kay Red tumingin si red sa akin saglit tapos tumingin sa ibang direction.

"Okay"-Tipid na sabi ni Red. Ayun lang?

"Tara na baka magbago pa isip niyan"-Sabi ni Aiden at pumasok na sa loob sumunod naman si Krystal at Red.

Pagpasok namin sa loob ay pinaupo sila ni mamang at hinainan ng mga pagkain.

"Mira wag kang magpasaway doon ah wala ako doon hindi kita makikita"-Sabi ni mamang tumango naman ako sa hiya. Shocks bakit sa harapan pa nila ako niya pinagsabihan. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako o tumaas talaga yung gilid ng labi ni Red.

Kielldon Royal Fort Academy (School Of Magic) (ON HOLD)Where stories live. Discover now