Author's POV
Year 2026
Isang ordinaryong araw nanaman ang nagumpisa para sa mga taong nakatira sa lugar ng xelkros. Madaming taong naglilibot ang iba papasok sa trabaho at ang iba namimili.
"MIIIRRRAAAA!!!!! BILISAN MO DIYAN MADAMING CUSTOMER DITO!!!"-Sigaw ng isang babae sa loob ng tindahan
"OPO NANDYAN NA!"-Sigaw naman pabalik ng isang babae
Mira's POV
Time Check: 7am
Hay nako kakadating ko lang nagaayos pako pinapalabas na agad ako. Hi ako nga pala si Mira Eliz Jane Croft. 17 years old nagtatrabaho ako sa karinderya. Mamaya ko na itutuloy baka mabatukan ako ni mamang eh hahaha.
Lumabas ako at nag serve sa mga customer.
"Goodmorning mira"
"Mira kelan kaba papayag maging asawa ko?"
"Hi mira ganda mo talaga!"-bati ng regular customer namin dito.
"Oh! Nang-uto kapa hahaha"-Sabi ko habang inaabot ko sa kanya ang order niya. Nginitian ko nalang ang mga ng sweet talks na naririnig ko.
Ganito lang ang buhay ko trabaho uwi-tulog-gising-trabaho ulit as always kailangan kong kumita ng pera para mabuhay. Wala na kasi akong pamilya patay na sila 7 years ago nung 10 palang ako eh. Nagiisang anak lang ako kaya ako lang magisa. Well ganyan talaga ang buhay may nawawala talaga.
Habang nagseserve ako sa tatlong teenagers around 14 or 15 siguro sila nakita kong may binabasa silang magazine.
"Wow ang galing talaga ni red noh 15/15 perfect score niya sa tournament"-Sabi nung isang babaeng kinikilig pa
"Ang gwapo pa niya dito my god Siya ang leader diba? Pang-ilang panalo naba natin to sa tournament? "-Dugtong naman nung isa with dreamy eyes
"Oo siya yung leader lagi naman eh ang galing kase niya! Hihihi Pang 6 na panalo na natin to ngayon"-Sagot naman nung isa
"And take note straight win ang panalo nila sila palang nakakagawa non sa history natin ang galing talaga nila lalo na si red pero gagraduate na sila"-Sabi nung naunang nagsalita
"Eto na po order niyo"-Sabi ko sa kanila kaya nagtinginan sila sakin at ngumiti.
So idol pala nila si Red Brey Lennox. Well di ko sila masisisi dahil kahit ako aaminin kong gwapo, matalino at talagang malakas siya kung iisipin full package na siya kahit ako papayag magpakasal sa kanya kung aalukin a-
"Miss pa-order"
Ano ba naman yan nagkkwento pa ako eh. Kinuha ko yung order nila at pumasok sa loob.
"Oh eto pa"-sabi ko sabay bigay ng papel.
-----------------------------------------------------
•Year 2025
Time Check: 8pmMira's POV
Papasok nako sa bahay ko ng may marinig akong naguusap sa gilid ng bahay ko kaya dahan dahan akong sumilip.
OH MY GOD SI...SI AIDEN LOCKSTER ISA SA MGA ROYAL STUDENT ELITE KAGRUPO NI RED PERO ANONG GINAGAWA NIYA DITO?
Nakinig ako ng mabuti sa pinaguusapan nila."Aiden alam mong hindi pwedeng malaman ito ng mga taga labas ng kielldon"-Sabi nung babae
"Yes mam pero tapos ko na po yung mission na binigay niyo sakin"-Sagot ni Aiden. Mission?
"Napatay mo na si Vlad?"-Tanong nung babae. P-Pumatay si aiden?
"Opo mam tapos na. Ito po yung Demon Flute na dapat i-seal"-Sabi ni Aiden at inabot niya yung flute sa babae. Bwisit namang mga lamok to oh.
"Good Job Aiden pwede ka-
*Booogggssshhhh*
Bumagsak yung kahoy na kahon sa likod ko bwisit na lamok agad na napatingin agad sila Aiden sa direksyon ko at ako nagtago agad sa kabilang gilid ng bahay ko. Pero nakalimutan kong malakas nga pala si Aiden kaya na sense niya ako at ayun nahuli nila akong nagtatago.Dinala nila ako sa Kielldon para daw makasigurado silang walang makakaalam nung narinig ko.
Mukang goodbye na sa buhay ko sana walang mangyare sakin gusto ko pang mabuhay lord.
YOU ARE READING
Kielldon Royal Fort Academy (School Of Magic) (ON HOLD)
Viễn tưởngMira Eliz Jane Croft is an ordinary girl. Trabaho dito trabaho doon. Isa lang ang pangarap niya ang makapasok sa Kielldon Royal Fort Academy the most prestigious school on their country at ang makatuluyan ang kanyang prince charming na si Red Bry Le...