chapter 2 (Part 1 of 2)

9.1K 169 0
                                    

She get up to bed early to prepare food for her visitor, mula sa araw na ito ay sisimulan niya na ang plano niya; O-Plan Marriage for Heritage.

“Anak, paubos na nga pala ang supply ng pagkain.” Pagpapaalam ni manang Belya sa kanya nang pumasok siya sa kusina. “Naubos ko na rin nga pala yung binigay mong pang gastos dito.” Ito ang kusinera nila sa isla.

“Sige po. Magu-grocery nalang po ako mamaya. Pakilista nalang po ng bilihin.” She don’t actually do this kind of chores, ngayon lang para makuha ang loob ni James.

Inabala na niya ang sarili sa pagluluto ng almusal katulong si Manang Belya.

Mga paborito niyang kainin kapag umaga ang inihanda niya bilang almusal –– pritong daing, sunny-side up, tinapa at kamatis, fried rice, at barakong kape. Hindi naman siya selfish. Gusto niya lang ipaalala o kaya ipakilala ang mga pagkaing Pilipino dito.

Natapos nilang ihanda ang hapagkainan eksaktong alas sais.

She’s squeezing a few oranges for her juice nang naramdaman niya ang pamimigat ng batok, which only happens kapag may tumititig sa kanya.

Noon di’y napakiramdaman niyang may iba na pala silang kasama.

“Can I come?” bungad ni James sa dalawang naghahanda ng almusal. “Wala naman kasi akong masyadong ginagawa dito.” tuluyan na itong pumasok at umupo sa dining.

Naabutan ata nito ang pag-uusap nila ni Manang Belya. Balak niya naman talagang ilabas ito ng isla ngayong araw ng magka-bonding time silang dalawa. “Ok lang. Nang may tagabuhat naman ako nang pinamili ko.” Sagot niya dito.

“Fine with me. Let’s eat?” alok ni James sa kanila, na dumampot na ng tinapay na naroon sa mesa.

----------------------------------------------

He always wanted to live independently. Kahit ang lolo niya ay ayaw niyang pakialaman siya at kahit sa isang relasyon ay hindi siya tumatagal. Kapag umaasa na sa oras niya ang mga ito ay hinihiwalayan niya. May mga kaibigan siya pero hindi nakikialam sa mga desisyon niya.

Lagi siyang kinukulit ng lolo niya to settle down. Madalas din itong pumunta ng Europe, ang dahilan nito ay business trip lang pero ang totoo’y para ma-monitor nito ang mga ginagawa niya.

Nang huli ay sumama siya rito upang mapagbigyan na magbakasyon siya muli sa pilipinas. It has been a long time since he last came back home, sa Pilipinas, kaya napapayag siya nito. Nang dumating siya ay halos ikadismaya niya dahil ipinagkakasundo siya sa isang babae. He set his mind to enjoy the vacation kaya ginawa niya nalang tourist guide ito.

Hindi niya gustong magpakasal dito, ang gusto niya ay ikasal siya sa taong minamahal siya at hindi lang dahil sa pera. 

Halos dalawang oras na silang magkasama nitong si Lex ngunit walang kibuan mula nang makatawid sila sa kabilang resort ng lolo sakay ng motorboat. Mukhang galit pa ito sa kanya.

“Wala ka bang kailangang bilhin?” tanong nito sa kanya habang may pilit na inaabot sa taas ng display case ng mga pagkain.

Inabot niya ito para sa kasama. “Buti nalang pala may kasama kang matangakad.” pang aasar niya.

“Tumangkad ka lang ng konte, ang yabang mo na.” tugon nito sa panga-asar niya.

Hindi pa nga ito nagbabago, ito parin ang batang ipinag-tatabuyan niya noon.

She has an ideal height for a six feet tall guy like him but not enough to easily reach the top of a seven feet high display case.

 “You can say thank you.” nanunudyong sabi niya.

Umiling lang ito at patuloy na naghanap ng mabibili pa.

‘Have she forget about the arranged marriage? Parang tinigilan na ang pangungulit ah.’ Sa isip isip niya. It’s good for him to know that at kung hindi ay mapipilitan na talaga siyang gawin ang mga ginagawa niya noon dito. Ayaw na sana niyang gawin iyon dahil mga matatanda na sila para maging aso’t pusa.

“Saan tayo after?” tanong niya dito nang makatapos sa pagbabayad. Tulak tulak ang push cart ay palinga linga siya sa loob ng mall. “Saan ba masarap kumain dito?” Magaalas dose na ng tanghali kaya’t nakaramdam na siya ng gutom. “Hindi ka pa ba nagugutom?” baling niya sa kasama.

“I’d promised this lunch to Dominic.” anang nito.

“Siya yung bumisita sayo sa isla, right?” Hindi niya naman kasi nakilala ang kaibigan nito dahil sa alitan nila kahapon.

“Yeah” tipid na sagot nito.

“Baka makaistorbo lang ako sainyo. I can take care of myself. Hatid mo nalang ako sa port, I’ll just wait for Mang Badong.”

“Mamaya pa yo’n si Mang Badong babalik. And I missed to introduce you kahapon kay Dominic.” Hindi nga nito naipakilala sa kanya ang kaibigan nito dahil sa pangyayari kahapon.

“Yeah. Matampuhing bata ka kasi.” Asar niya dito.

“Yeah, right. ” tinaasan lang siya nito ng kilay. “Kaya pa ba ng sikmura mong maghintay?”

“Sure, basta ba hindi madi-disappoint ang sikmurang ito when we get there.” At hinimas niya ang tiyan.

Pumasok ang kotse sa isang subdivission malapit sa centro ng bayan.

“You’re friend has a taste. Nature lover ba yang si Dominic?” He compliment.

“Hindi. Talagang mas gusto niya ang quiet mode na place.”

‘they must be good friends or maybe more than that to know his likes.’

“Ah ganyan talaga kaming mga lalake. We love a home out of noise.” Pagpapareha niya sa kaibigan nito.

Ngiti lamang ang iginanti nito sakanya.

“Tell me, wala ka bang nagugustuhang lalake to easily agree to your lolo’s want?”

“Wala. At kung meron man he should be a billionaire .” Seryoso nitong sagot.

“What about Dominic?”

“You know what? You should meet Dom first.” Nangingiting sabi nito.

Nagtaka siya sa reaksyon nito. “He must be special to you. Kanina ko pa napapansin you smiles as we talk about Dominic.”

“Ikaw, do you have girlfriend?” pang-iiba nito ng usapan.

“I don’t.”

“eh, nagugustuhan?”

“Same, same.”

Tinigil ni Lex ang kotse sa tapat ng isang bahay.

“Dito na ba?” tanong niya. Sinilip niya ang bahay.

“Yes, tara.” Bumaba na ito ng sasakyang dala nila.

Nagdoor bell ang kausap niya, patuloy parin ang pag-linga-linga niya sa lugar.

“Dominic!!” sigaw nito na may halong excitement ng Makita ang paparating na babae.

He was shock sa nakita niya. ‘Dominic is a girl.’sa isip niya. ‘I’m too stupid not to know. Kaya pala tinatawanan niya ako kanina. You’re mean, Lex.’

Marry Me MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon