Chapter 10 (Part 1 of 2)

5.3K 102 1
                                    

Kakatapos pa lamang maligo at magbihis si Lex. Ito ang madalas niyang gawin pakatapos magpapawis sa polo. A three minutes shower. Di pa man tumagal ay biglang narinig niyang may kumakatok sa pinto niya.

“Lex, Anak. Nariyan ka ba?” naulinigan niyang si manang belay ang kumakatok.

“Opo, Manang.” Binuksan niya ang pinto upang papasukin ito. “bakit po?”

“Nakita na nila ang kaibigan mong si Adreia.” Msasayang pagbabalita nito sa kanya. limang araw na ding nawawala ito.

“Talaga ho?” di makapaniwalang tanong niya. “Salamat naman.”

“Oo. Tumawag kanina sa front desk ang mga pulis.”

“Mabuti naman kung gano’n mapapasalamatan ko siya sa pagsagip sa akin. Ano pa daw pong sabi ng pulis?

“Maayos naman daw ang lagay nito sa napuntahan.”

Narinig niyang tumunog ang celphone niya. Agad niya itong hinanap upang alamin kung sino ang tumatawag.

“Dom! Alam mo na ba?” gagad niya kagad sa tumatawag na si Dominic.

“That they found Adrei? Oo at sinundo namin siya.” Sabi ng nasa kabilang linya. “Lex, she’s fine. You don’t have to worry now.”

Kusang loob kasi itong si Dominic at Eloise na ito nalang daw ang magaayos ng mga nangyari ng gabing mawala si Drei para hindi magkaroon ng masamang impresyon ang future guests and investors ng ODC.

“Sure. Kasama mo ba?”

“Oo. At parang wala sa sarili. Hindi dahil sa trauma ah. Inlove ata.”

“What?” hindi siya makapaniwala.

“At hindi lang iyon ah. It’s been four hours fifteen minutes and thirty seconds na siyang hindi naghahanap ng Cellphone and anything na gadget niya ah.”

“So, you mean, this guy she fall inlove with change her.”

“exactly! Anyway, sige na. binalitaan lang kita baka kasi mahuli ka sa news sa kakaatupag mo sa James nayan. Bye!” end tone na lamang ang sunod na narinig.

Naalala niya si James. Andito pa rin sila sa isla upang paniwalain ang mga lolo nila na sinusulit lang nila ang oras na magkasama. “Manang, nasan po si James?”

“Nasa dining room, ija. Naghahanda ng almusal.”

Tinignan niya ang oras sa cellphone niya. Eight o’clock.

“tara, ija. Pinapatawag ka na rin nga pala ng asawa mo.”

Asawa. Oo nga pala.

“Alam mo, ija. Nagtataka ako kung bakit ilang araw na kayong kasal ay hindi kayo nagtatabi matulog.” Hindi niya alam ang maisasagot dito.

“Nagiiwas lang po kaming magkaanak kagad.” Nakita niyang nasa pinto na pala ang napaguusapang si James. “Di ba, hon?” lumapit ito sa kanya at hinalikan siya nito sa noo bago ikinawit ang kamay sa baywang niya.

“Yes.” Hindi nalang siya nagpahalata sa pagkailang niya sa ginawa nito. “Tara na ho sa baba, manang. Gutom na ako.” Umalis siya mula sa pagkakaakap nito sa kanya upang lumapit sa matanda. Iniakbay niya ang mga kamay sa balikat nito at iginiya papunta sa dining room.

Naramdaman niyang sumunod nalang itong si James sa likuran nila.

Matapos ang agahan ay dumeretso siya sa deck at nagpahangin doon.

“Heard the goodnews?” narinig niya mula sa likod.

“Yeah.” Sagot niya lamang dito.

Lumapit ito sa kinaroroonan niya.

Humandig din ito sa barrier ng deck. They both enjoyed the air and the sun that sinking in to their skins.

Naiilang siya sa presensya nito. nagsimula ito ng minsang nagtagpo ang mga labi nila. Ayaw niya na kasing maulit iyon.

“I think, I need to see her. I’ll go ahead.”

Aalis na sana siya ay nagsalita ito.

“Gusto mo ng kasama?” tanong nito.

“Pwede rin naman.” Nagaalangan na sagot niya.

Iniiwasan niya nga ito pero hindi niya naman pwedeng ipagtabuyan ito.

“Okay, then let’s go.” Yaya nito.

Hindi na siya nakatanggi rito. “Sige mauna kana sa baba. Susunod nalang ako. May kukunin pa ako sa kwarto.”

Naghiwalay sila ng daan. Kinuha niya ang wallet at cellphone niya sa loob ng kwarto. Do you really think you can avoid him, Lex? Damn it!

Hindi siya nagtagal at bumaba na rin siya.

Nagpaalam siya sa mga iiwan nila sa isla.

Pagkadating niya sa labas ay naghihintay na si Mang Badong at James sa sasakyan.

Tumabi siya sa magmamanehong matanda.

Gaya ng dati ay ayaw niyang may mapausapan pa sila tungkol sa mga di niya inaasahang nangyayari.

Pinaandar na nito ang sasakyan. Sigurado naman siyang hindi maghihinala si Mang Badong dahil gawain niyang umupo sa katabi ng driverseat.

Nagtama ang mga mata nila ng minsa’y silipin niya ito sa salamin. Tinitignan din siya nito.

“Ayos ka lang diyan?” hindi niya pinahalata ang pagkailang sa nangyari.

“Yeah.” Iniwas nito at tingin sa kanya. doon sa dinadaanan nila ito nagpalit ng tingin.

Sakay ng motor boat ay narrating nila ang kabilang resort. Pumunta sila sa garahe upang kunin ang iniwang sasakyan niya.

Maiiwan silang magisa ni James. Pinasya niyang siya na lamang ang magmaneho para makaiwas na kausapin ito.

Nakita niyang tahimik lang ito na nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Hindi niya na ito kinausap hanggang sa makarating sila sa isang mall. Dumaan siya sa driveway papunta sa parking area.

“I thought, you’re going to her house. Nagiba ba ang meeting place?” tanong nito ng maipark niya na ang kotse.

“Bibili lang ako ng thank you gift for her. ikaw, baka may gusto kang puntahan. We will meet here after fifteen minutes.”

Bumaba siya ng kotse.

“I’ll just wait here. Take your time.”

“Okay.” Umalis na siya at pumasok sa loob ng mall.

Nagiisip siya kung saan unang pupunta. Ang alam niya’y mahilig ito sa gadgets pero halos lahat na ata ay mayron ito.

Palakad lakad lang siya at palinga linga siya upang maghanap ng mabibilhan.

Nakuha ng isang pareha ang atensyon niya. Para itong perfect couple. Masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Naalala niya si James. Kailanman ay hindi mangyayati sa kanila ang ganoon.

Umuling siya at pilit na binubura ang mga pumapasok sa isip niya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Pumasok siya sa isang bookstore. Balak niyang bilhan din si Dominic ng regalo para sa pagaayos nito ng mga bagay para sa kanya, mahilig ito sa libro. Pumili siya ng isang paranormal book. Mahilig ito sa mga librong gaya ng Harry Potter.

Marry Me MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon