Four years later.
Malapit na ang GAWAD SA MAKASINING. Kung saan nominado ulit si Lex sa most outstanding artist of the decade dahil sa sunod sunod niyang pagkakapanalo sa ginaganap taon taong gawaran sa sining. At siya ang napiling makilahok sa susunod na world art competition.
Ngayon din ang pangatlong reunion nila ng members ng ODC.
Mula noon ay naging maganda ang takbo ng career niya. Nang mamatay ang lolo niya ng isang taon ay iniwan niya ang buong pamamahala ng kompanya sa pinsan niya. Hindi na naman ito tumanggi na kunin ito dahil kinailangan ng mga magulang nito ng pera na nabaon sa utang dahil sa pagsusugal. Ayaw man nitong tubusin ang magulang sa pinagkakautangan para matuto ngunit hindi niya matiis ang pagmamakaawa nito dahil magulang parin niya ang mga ito.
Mula nang magkasundo sila ng lolo niya ay naging maganda ang buhay niya at nakalimutan niya na ang mga bagay na nangyari doon. Itinuon niya ang buong pansin sa hilig niya at sa ODC.
Kasal paman sila ni James ay hindi niya ginagamit ang apelyido nito. at wala siyang balak na bigyang pansin ang kahit anong makakapag ugnay muli sa kanila.
“Busy ba?” tanong sa kanya ng kakapasok pa lamang na si Dominic sa gallery niya.
“Hey! Andito kana. Nasan na sila?”
“Nasa party area na. bakit ka pa ba kasi nandito?.”
“Just killing time..ang tagal niyo kasing dumating. Hindi ko alam na dumating na pala kayo. The receptionist didn’t inform me..” sabi niya.
“Don’t blame her, ako na kasi mismo ang nag-insist na tumawag sayo.” Pagtatanggol nito. “Anyway, tara na at naghihintay na sila.”
Naririnig niya na ang mga boses ng mga tinutukoy ng kaibigan bago paman sila tuluyang makarating doon.
Isang cocktail party ang nilunsad nila para sa reunion na annually na nilang ginagawa.
“Drei! EL, Lor, Nel, Julz!” tawag niya ng makita ang mga ito. “I’m glad you made it here. Nasan si Max?”
“She’s on a trip. Lagi naman eh.” Sagot ni Nel.“Hindi naman ‘yon mapakali sa isang sulok lang.”
“Saan? Si Rex kasi nasa trip din.” Tanong niya.
“Venice.”
“Venice! Andun din si Rex.” Natatawang sabi niya. “I hope magkita sila do’n. at huwag sanang palpak ngayon si Rex.”
“Kasi naman, lampa ata yung pinsan mo.” Sabi nitong si Drei.
“Hindi, masyado lang kasing nalayo sa mga babae. Nanibago siguro.” Sagot niya. “Anyway, Nel, mukhang tayo nalang nina El, Lor at Max ang single ah. Kailan ka?”
“Oo nga naman Nel. Lilipasan mo na ang calendaryo ah. Kami ni Lor medyo matagal pa.” sabi nitong si El.
“I’m working on it. Huwag niyo akong ipressure.” Pagdadahilan ni Nel.
“Hindi ka na namin kailangang ipressure. Siguradong magrereklamo nalang ng kusa yang balat mong nangungulubot na sa kahihintay ng hahaplos sa kanya.” sabad naman ni Lor.
“Ay! Tigilan niyo nga ako.”
Sina Drei at Dom kasi ay kontento na sa buhay may boyfriend. Malapit naring magpakasal ang mga ito.
“Lex, tomorrow will be the awards night. right?” tanong ni Lor.
Bukas na nga ang awards night. Ito na ang pinakahihintay niyang gabi.
“Oo, bukas na nga iyon.” Sagot nya. “May Tv guesting din ako bukas after the awarding. Baka nga ma-late pa ako. Nakakhiya naman kung mangyayari ‘yon.”
“Mukhang hindi na talaga paaawat ang stardom mo, Lex ah.” Si Julz. “We really should celebrte to that.”
Napangiti siya sa sinabi nito. Hindi naman siya sisikat ng gano’n kung hindi rin sa tulong ng magazine ng ODC.
Their stories and the updates of ODC were in the magazine. Kahit ang mga ito ay sikat na rin dahil sa success ng ODC. Marami na ang gustong mag member sa kanila but, they set standard for the aspiring member of ODC.
“Thanks to all of you. You all supported me all the way. Sana makapunta kayo bukas ng gabi.”
“Hindi kami pwede bukas, kaya’t ngayon nalang natin i-celebrate ang nomination mo.” Nilabas nitong si Lor ang isang bote ng wine. “Or maybe, your next title?
And the artist of the decade award goes to, Alexis Carlo!” binuksan nito ang wine at sinalin sa mga wine glass na nakapatong sa mesa.
BINABASA MO ANG
Marry Me Money
RomansaINHERITANCE COMES AFTER MARRIAGE. LEX WANTS TO INHERIT HER LOLO’S WEALTH, BUT TO GRANT IT SHE MUST MARRY THE GRAND SON OF HER LOLO’S BESTFRIEND. BUT THE MAN SHE BETROTH IS A MAN WHO BELIEVES IN THE SACRECY OF MARRIAGE, AND HE IS AGAINST OF IT. SO LE...