Chapter 3 (part 1 of 2)

6.5K 138 0
                                    

Naramdaman ni Lex ang hapdi ng wine na pumasok sa mata niya dahil sa pagtapon ng Tita niya ng wine sa mukha.

“Napaka-sipsip mo kay papa katulad ng iyong bastardong ama.” Pang-iinsulto nito sa kanyang nasirang ama. “Talagang gagawin mo ang lahat makuha lamang ang yaman niya.”

Her father was an illegitimate child of her grandfather, kinilala ito ng lolo niya dahil sa galing nito sa marketing noon. Pinag-aagawan ito ng maraming kompanya at naging matunog ang pangalan nito sa industriya. Senior Marcial Carlo; her gandfather is a clever man, he wants all the best be him to own. Maybe her father was a liability to his lolo’s family reputation but her father was an asset to every business.

Iminulat niya ang mata para salubungin ang nangi-insultong babae sa harap niya. “You’re pathetic, tita. Are you describing my father, or you’re referring to yourself?”

Gano’n nga ang tita niya. Mula ng ikasal ito sa tito niya ay nag-astang reyna na ng pamilya nila. Her tito is so dependent to his father wala itong sariling backbone. Madali lamang itong naiimpluwensyahan at namamanipula ng asawa nito kaya’t anuman ang hilingin ng tita niya ay binibigay nito.

Akmang sasampalin siya nito ng salubungin niya ng kamay ang braso nito para hindi dumampi sa mukha niya. “Ganyan na ba ako ka sosyal tita? Hilamusan ng wine at punasan pa ng sarili mong kamay?” Binitiwan niya ang braso nito ng maulinigang may taong paparating. It was James.

Her aunt gave her a last look before she goes.

Lumapit sa kanya ang paparating. Inabot ang isang maliit na tuwalya. Mukhang nakita nito ang pangyayari. “Parang gusto kong lumabas.”

Naiinis siya sa sinabi nito. Nakita ba talaga nito ang nangyari? “Nasa labas ka na.”

Tiningnan siya nito ng mapunasan niya na ang mukha.

“Tara na. I’m your guest, you’re supposed to entertain me and tour me around.”

Sarili pa nito ang inisip niya. “You can tour yourself around.” Kahit sanay na siya sa mga ganong pang-iinsulto ng tita niya ay hindi naman siya nag-papa-apekto, but in this casena ama na niya ang pinuntirya nito, maybe she can use some sympathy from others.

“Kailangan pa ba kitang kaladkarin?” inilabas nito ang mga kamay mula sa bulsa ng pantalon nito.

“Alam mo, hindi mo napapagaan ang kalooban ko. So, please stop bugging me.” Itinapon niya ang maliit na tuwalya sa dibdib nito bago tumalikod dito.

“Samahan mo na lang kasi ako.” Humarang ito sa dadaanan niya.

Napasimangot siya, “Fine. Come on.” Kung babalik naman kasi siya sa loob ay makikita niya ang apog ng tita niya, kaya’t mabuti narin na samahan niya nalang ito.

“Ang dali mo naman kausap.”

“Shut up.” Sumama na nga ang tao ngayon naman magrereklamo pa.

---------------

Sa plaza siya dinala nito kung saan maraming street foods na binibenta. Fish ball, kikiam at kwek-kwek.

“Do you remember the same scene back when we’re still kids. Tumakas ka noon para kumain ng dirty ice cream at fishballs.” Tinutukoy nito ang unang pagkikita nila noon when they were six and eight years old.

Tumakas siya noon sa yaya niya ng minsan ay pumunta ng mall. Nauntag ang buong lungsod ng di siya makita ng yaya. Nag-patulong ito sa mga pulis para hanapin siya kundi ay mananagot ito sa lolo niya. Pagbalik niya ng bahay ay nandoon ito kasama ang lolo nito at maraming pulis. Nakita niya ang yaya niyang pinapagalitan ng lolo niya.

Iyon din ang unang pag-kakataon na napagalitan siya ng lolo niya, laking sama ng loob niya noon. Kaya’t nagmukmok lamang siya sa gazebo. Isang bata ang nag-abot ng maliit na tuwalya sa kaniya para punasan ang luha niya.

“Amoy pawis.” Bigla niyang na-isawika.

“Amoy na ba?” inamoy nito ang sarili. “Hindi naman.” Depensa nito.

Natawa siya.“No, Not you. Yung towel na inabot mo no’n.”

“Kasi galing kaya yo’n sa likod ko.”

“Yuck!”pandidiri niya.

“Ang arte mo. You should be thankful na nakapag-punas ka ng uhog mo, no.”

Natawa siya sa sinabi nito, hindi niya akalaing pati uhog niya noon ay natatandaan nito, dahil lang naman ‘yon sa pag-iyak niya. Basta talaga maka-pang-asar lang ito ay hahalungkatin lahat ng baho niya.

“I’m happy to see you smile ‘coz, you’re very ugly when you cry.”

Isang mahinang suntok ang pinadapo niya sa balikat nito. “Shut up.” ngunit, natutuwa naman siya na kahit papaano’y napa-gaan nito ang loob niya kahit dinadaan nito sa pang-aalaska.

“Gusto mong pag-usapan?” batid niya na ang tinutukoy nito.

Marry Me MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon